Ano ang pang-abay sa pangungusap?
Malakas na bumuhos ang ulan.
A. malakas B. bumuhos C. ulan
A. malakas
Ano ang inilalarawan ng pang-abay sa pangungusap?
Tumunog nang malakas ang orasan.
A. tumunog B. nang malakas C. orasan
B. tumunog
Anong uri ng pang-abay ang nakasalungguhit?
Ang mensahe ng pastor ay malakas na pinalakpakan.
A. pamaraan B. pamanahon C. panlunan
A. pamaraan
Ang nga, ba, pala, sana ay mga anong uri ng pang-abay?
A. ingklitik C. panang-ayon
B. pang-agam D. pananggi
A. ingklitik
Malakas ang tilaok ng manok ni Mang Karding.
PANG-URI
Anong pang-abay ang bubuo sa diwa ng pangungusap?
___________ na sinunod ng masunuring bata ang utos ng kanyang ina.
Agad
Anong tanong ang sinasagot ng pang-abay sa pangungusap?
Ang buong mag-anak ay magsisimba sa susunod na linggo.
KAILAN
Anong uri ng pang-abay ang nakasalungguhit?
Ang paninigarilyo ay ipinagbabawal sa mga pampublikong lugar.
A. pamaraan B. pamanahon C. panlunan
C. panlunan
Alin sa mga sumusunod ang bubuo sa mga pang-abay pang-agam sa ibaba?
tila, marahil, ___________
A. huwag B. totoo C. walang duda D. baka
D. baka
Masarap magluto ng nilaga si Tita Elsie.
PANG-ABAY
Anong pang-abay ang bubuo sa diwa ng pangungusap?
___________ sumalubong sa kanyang amo ang aso habang kumakawag-kawag ang buntot nito.
Masaya/Masayang
Anong tanong ang sinasagot ng pang-abay sa pangungusap?
Magalang na binati ng mga mag-aaral ang kanilang guro.
PAANO
Anong pang-abay pamanahon ang bubuo sa pangungusap?
_______________, nakikinig sa DZAS ang aking Tatay bago pumasok sa opisina.
A. Taon-taon B. Gabi-gabi C. Tuwing umaga
C. Tuwing umaga
Ano ang bubuo sa pangungusap?
_____ hindi ka makakasama sa lakad natin, hindi na rin ako sasama.
Kung
Nahihiyang binati ni Shane ang kanyang mga bagong kaklase.
PANG-ABAY