Musika
Pelikula at Telebisyon
Literatura
Kasaysayan
Kultura
100

Ito ang salitang bubuo sa sumusunod na kanta:

Lahat ay nagulat nang buksan ang pinto
Sayaw ng mga tao'y biglang nahinto
Buhok mo'y _______; talampaka'y Gucci

Suot mo'y gawa ni Pitoy, di nanggaling kay Eloy.


Sino si Budji?

100

Itinuturing itong pinakamahabang teleserye ng bansa.

Ano ang "Ang Probinsyano?"

100

Si Maria Ressa ay isang manunulat at mamamahayag na siyang naging kauna-unahang Pilipinong nagawaran ng parangal na ito para sa kanyang pakikipaglaban sa kapayapaan at katotohanan.

Ano ang Nobel Peace Prize?

100

Isa sa mga campaign slogan niya ang "Gobyernong tapat, angat buhay lahat".

Sino si VP Leni Robredo?

100

Ito ang tawag sa iskrip (script) na gamit ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila.

Ano ang Baybayin?

200
Tawag ito sa mga awiting Tagalog na karaniwang tinutugtog upang suyuin ang isang iniirog.

Ano ang harana?

200

Sa pelikulang ito galing ang sikat na linyang, "Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!".

Ano ang "Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?"

200

Ayon sa mitolohiya ng mga Bikolano at Bisaya, siya ang dyosa ng karagatan na naging isang mala-halimaw na ahas at siya ring kumakain sa buwan. Ito ang dahilan kung bakit minsan ay naglalaho sa langit ang buwan (lunar eclipse).

Sino si Bakunawa?

200

Ito ang pinakamatandang syudad sa Pilipinas.

Saan ang Cebu City?

200

Sa Pangasinan, ito ang katumbas ito ng salitang pag-ibig.

Ano ang dalit?

300

Isa itong uri ng gong na mas ginagamit sa hilagang bahagi ng bansa. Ito ay bilog at patag.

Ano ang gangsa?

300

Sa huling yugto ng teleseryeng ito, nakapagtala ito ng 64.9% rating -- ang pinakamataas na nakuha ng isang teleserye sa kasaysayan ng telebisyon sa bansa.

Ano ang "Pangako Sa 'Yo"?

300

Ang maikling kwento na ito ay orihinal na isinulat sa wikang Inggles ni Amador Daguio. Tungkol ito mag-asawang sina Lumnay at Awiyao na alinsunod sa tradisyon ng kanilang tribo ay kailangang maghiwalay matapos mabigong mabibiyayaan ng anak.

Ano ang "The Wedding Dance"?

300

Siya ang kauna-unahang Pilipinang naitampok sa salapi ng Pilipinas.

Sino si Tandang Sora/Melchora Aquino de Ramos?

300

Kung ibibitin nang patayo ang watawat ng Pilipinas sa panahon ng kaguluhan, ito ang kulay na dapat ay makita sa kaliwa.

Ano ang kulay pula?

400

Siya ang kauna-unahang pulitiko sa Pilipinas na gumamit ng isang campaign jingle.

Sino si Arsenio H. Lacson?

400

Dahil sa kanyang pelikulang "Kinatay" noong 2009, naiuwi ni Brillante Mendoza ang parangal na ito muna sa Cannes International Film Festival -- ang kauna-unahan para sa Pilipinas.

Ano ang Best Director Award?

400

Ang magasin na ito ay itinuturing bilang isa sa mga naging pundasyon ng modernong literaturang Ilokano. Ang katumbas ng pangalan nito sa Tagalog ay "Liwayway".

Ano ang Bannawag?

400

Noong 1992, nagsagawa ang Pepsi Co. ng isang promotion kung saan maaaring manalo ang sino mang makabili ng kanilang mga produkto (Pepsi, Mirinda, 7 Up, Mountain Dew) na mayroong espesyal na kombinasyon ng mga numero mula 001-999 sa mga takip nito. Ngunit dahil sa isang teknikal na pagkakamali, 800,000 na mga tansan ang na-markahan ng iisang kombinasyon na siya ring nabunot upang magwagi noong Mayo 25. Ang kombinasyon na ito ay ---.

Ano ang 349?

400

Ayon sa Flag and Heraldic Code ng Pilipinas, ito ang pambansang sawikain ng bansa.

Ano ang "Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan at Makabansa"?

500

Ang awiting ito ay nabuo ni Levi Celerio sa loob lamang ng labinlimang minuto habang siya ay nakasakay sa isang barko na nakadaong sa Honolulu, Hawaii.

Ano ang "Sa Ugoy ng Duyan"?

500

Humakot ng parangal ang pelikulang ito sa Cinemalaya Festival 2017. Tampok sa kwento nito ang isang baguhang rapper na nakatagpo ng isang gabay sa isang matandang makata. Malalim ding tinalakay nito ang pagkakapareho ng dalawang naging administrasyon ng bansa -- Marcos at Duterte.

Ano ang "Respeto"?

500

Sagot sa bugtong na ito:

Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.

Ao ang kubyertos/kutsara/tinidor?

500

Siya ang natatanging atletang Pilipino na hindi lamang nakapag-uwi ng dalawang Olympic medals, kundi naging bayani rin nang hirangin siyang lieutenant upang makipaglaban sa mga Hapon noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Sino si Teofilo Yldefonso?

500

Ito ang kabuuang bilang ng mga Pilipinong nagawaran na ng NCCA ng titulong "Manlilikha ng Bayan".

Ilan ang labing-anim?