Mitolohiya
Dula
Tula
Tayutay
Elemento ng Dula
1

Ito ay sinaunang kuwentong may kaugnayan sa paniniwala o pananampalataya. Ang tauhan ay Diyos o Diyosa.

Mitolohiya

1

Itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na trahedya na dulang isinulat ni William Shakespeare. 

Macbeth

1

 Ito ay tumutukoy sa linya ng isang tula.

Taludtod

1

Ano ang ibig sabihin ng idyomang malalim ang bulsa?

   Kuripot

1

Anong elemento ng dula ang itinuturing na pinakakaluluwa nito?

Iskrip

2

Ayon sa paniniwala sa Hawaii, habang magkadikit ang mga ito ay maganda ang panahon subalit kapag biglang umulan ay may pumitas ng bulaklak nito. Ano ang tinutukoy?

ohi'a at lehua      

2

Ayon sa kanya, ang dula ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay.

Aristotle

2

Ano ang tawag sa isang saknong na binubuo ng anim na taludtod?

Sestet

2

Sinasamahan ako ng ulan sa aking kalungkutan. 


Ano ang tayutay na ginamit sa pangungusap?

Pagsasatao o Personipikasyon

2

Ito ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata sa pagpapakita ng emosyon.

Dayalogo


3

Ano ang naging solusyon ng mga magulang nina Pele upang magkaayos ang magkapatid?

  • Ninais nilang maging diyosa ng tubig si Pele katulad ng kanyang kapatid.
3

Ito ay isang uri ng dula kung saan malungkot ang simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.

Melodrama

3

Ibigay ang mga katinig na kabilang sa tugmaang malakas at tugmaang mahina.

Tugmaang malakas - b,k,d,g,p,s,t


Tugmaang mahina- l, m,n, ng, w,r,y

3

Hindi ko kayang mabuhay kung wala ka.

Anong tayutay ang ginamit sa pangungusap?

Pagmamalabis

3

Nakadepende sa kanya kung ano ang magiging itsura ng tagpuan gayundin ang paraan ng pagganap ng mga tauhan.

Direktor o Tagadihere

4

Bonus Question:


Gayahin ang nasa larawan.
















4

Ano ang pagkakaiba ng parse sa parodya?

Ang parse ay dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kuwento samantalang ang parodya naman ay dulang mapanudyo at may pambabatikos.

4

Gaano kahalaga ang kariktan ng isang tula?

Mahalaga ang kariktan sapagkat ito ang nagbibigay sining sa isang tula.  

4

Ano ang sukat ng saknong na nasa ibaba?


Kung tatanawin mo sa malayong pook,

      ako'y tila isang nakadipang kurus;

      sa napakatagal na pagkakaluhod,

       parang hinahagkan ang paa ng Diyos.


Lalabindalawahin


4

Anong unang dalawang elemento ng banghay? Ibigay ang kahulugan nito.

Simula at Saglit na Kasiglahan

5

Paano humantong sa pagkasunog ng buong hardin ni Hi'iaka ang galit ni Pele?

Pumutok ang bulkan na naging sanhi ng pagkasunog ng hardin. Sa pag-aakalang inakit ni Hi'iaka ang kanyang kasintahan dahil sa tagal ng kanilang pagbabalik.

5

Paanong nagkakaiba ang trahedya sa melodrama?

Ang trahedya ay isang uri ng dulang may malungkot na wakas o kabiguan habang ang melodrama naman ay isang dulang may malungkot na sangkap ngunit nagtatapos nang kasiya-siya para sa mga pangunahing tauhan. 

5

Basahin nang may emosyon ang saknong na nasa ibaba.

Buhay ng tao sa mundo ay sadyang maikli

Sa usok, hamog, bulaklak ito ay maiwawangki

Ngayon ay pawang naririto ngunit dagling napapawi

Kaya ating pahalagahan buhay na kaloob ng ating Hari


5

Magbigay ng tig-isang halimbawa ng pangungusap na ginamitan ng tayutay na Pagmamalabis at Pag-uyam.


 

5

Ibigay ang tatlong huling elemento ng banghay at ang kahulugan nito.

Suliranin, Kakalasan, at Wakas