Ito ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika na maaaring magbago ng kahulugan ng isang salita.
PONEMA
Ito ay tumutukoy sa pag-aaral ng mga tunog ng isang wika.
PONOLOHIYA
Ilan ang mga ponema sa wikang Filipino?
21
tumutukoy sa lakas ng bigkas ng isang pantig sa isang salita.
DIIN
kombinasyon ng patinig at malapatinig na /w/ o /y/ sa iisang pantig
Diptonggo
isang tunog na lumilikha ng paghinto sa bigkas ng salita. Madalas itong ginagamit sa dulo ng mga salita sa Filipino
impit na tunog o glottal stop
ang pagtaas o pagbaba ng tono sa pagbigkas ng isang pangungusap.
intonasyon
mga salita na may magkaibang kahulugan ngunit may pagkakaiba lamang sa isang ponema.
Pares-minimal
grupo ng dalawang o higit pang katinig na magkasunod sa isang pantig
Klaster
Nagsasabi kung saang bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot ang hangin sa pagbigkas ng isang ponema.
PUNTO NG ARTIKULASYON
Tatlong Salik sa Pagsasalita
Enerhiya, resonador, Artikulador
Sa pamamagitan nito malinaw na naipahahayag ang damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.
Ponemang Suprasegmental
Naglalarawan kung paano pinatutunog ang ponemang katinig sa ating bibig.
PARAAN NG ARTIKULASYON
Tawag sa Diagram ng sistema ng pagpapalabas ng Tunog
Sagittal Diagram o Ulo ni Oscar
Ibigay ang ponemang katinig at patinig
/a/, /e/, /i/, /o/, /u/.
y /b/, /k/, /d/, /g/, /h/, /l/, /m/, /n/, /ŋ/, /p/, /r/, /s/, /t/, /w/. /y/, at /ˀ/