Ano ang pangunahing suliraning kinaharap ng Pilipinas pagkatapos makamit ang kalayaan noong 1946?
A. pagtatatag ng bagong wika sa bansa
B. pagsasara ng lahat ng paaralan sa bansa
C. pagpapalawak ng teritoryo sa ibang bansa
D. pagbabangon ng mga nasirang imprastruktura dahil sa digmaan
D. pagbabangon ng mga nasirang imprastruktura dahil sa digmaan
Ano ang apat na pangunahing elemento na kinakailangan upang matawag na isang estado ang isang bansa?
A. watawat, Saligang Batas, Sandatahang Lakas, at Gobyerno
B. mamamayan, Teritoryo, Pamahalaan, at Soberaniya
C. ekonomiya, Relihiyon, Kultura, at Likas na Yaman
D. batas, Pulitika, Edukasyon, at Militar
B. mamamayan, Teritoryo, Pamahalaan, at Soberaniya
Anong batas ang ipinatupad ni Pangulong Magsaysay upang matulungan ang mga magsasaka?
A. Economic Development Corps (EDCOR)
B. Military Bases Agreement
C. Magna Carta of Labor
D. Land Reform Act
D. Land Reform Act
Ano ang pangalan ng samahang pang-rehiyon na itinatag noong panahon ni Pangulong Garcia upang palakasin ang kooperasyon ng Pilipinas, Indonesia, at Malaysia?
A. United Nations
B. ASEAN
C. MAPHILINDO
D. World Trade Organization
C. MAPHILINDO
Ano ang pangunahing layunin ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas?
A. magpalawak ng teritoryo sa ibang bansa
B. palakasin ang negosyo ng gobyerno sa sektor ng depensa
C. protektahan ang bansa mula sa panlabas at panloob na banta
D. kontrolin ang lahat ng mamamayan sa pamamagitan ng batas militar
C. protektahan ang bansa mula sa panlabas at panloob na banta
Kailan naitatag ang Ikatlong Republika ng Pilipinas?
A. 1964
B. 1956
C. 1946
D. 1965
C. 1946
Kailan nagsimula at nagtapos ang Ikatlong Republika ng Pilipinas?
A. 1946 - 1981
B. 1946 - 1972
C. 1948 - 1986
D. 1950 - 1980
B. 1946 - 1972
Bakit tinawag si Pangulong Magsaysay na “Kampeon ng Masang Pilipino”?
A. dahil sa kanyang tagumpay sa negosyo
B. dahil sa kanyang ugnayan sa Estados Unidos
C. dahil sa kanyang pagsuporta sa mga mayayaman
D. dahil sa kanyang malasakit sa karaniwang mamamayan
D. dahil sa kanyang malasakit sa karaniwang mamamayan
Ano ang pangunahing programa ni Pangulong Garcia upang mapabuti ang ekonomiya ng Pilipinas?
A. Austerity Program
B. New Society Program
C. Green Revolution
D. Bagong Lipunan
A. Austerity Program
Ano ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. pagkasira ng imprastruktura at agrikultura
B. pagtaas ng bilang ng mga manggagawa
C. pagdami ng mga dayuhang negosyante
D. pagbaba ng populasyon sa mga lungsod
A. pagkasira ng imprastruktura at agrikultura
Ano ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng produksiyon sa agrikultura matapos ang digmaan?
A. dumami ang bilang ng mga magsasaka
B. dumami ang dayuhang nagtatrabaho sa agrikultura
C. maraming sakahan ang nasira at maraming hayop ang namatay
D. mas pinili ng mga Pilipino na magtrabaho sa industriya kaysa sa agrikultura
C. maraming sakahan ang nasira at maraming hayop ang namatay
Bakit mahalaga ang soberaniya para sa isang bansa?
A. upang makontrol ang ekonomiya ng ibang bansa
B. upang maging bahagi ng isang mas malawak na imperyo
C. upang payagan ang mga dayuhan na mamahala sa loob ng bansa
D. upang magkaroon ng kalayaan sa paggawa ng desisyon nang walang panghihimasok ng ibang bansa
D. upang magkaroon ng kalayaan sa paggawa ng desisyon nang walang panghihimasok ng ibang bansa
Kung ikaw ay isang Pilipino noong panahon ni Pangulong Magsaysay, paano mo magagamit ang Land Reform Act upang mapabuti ang iyong kabuhayan?
A. sa pamamagitan ng pagbebenta ng lupa sa mga banyaga
B. sa pamamagitan ng pagpapautang sa mga mayayamang haciendero
C. sa pamamagitan ng pagbili ng lupa na hinati mula sa malalaking asyenda
D. sa pamamagitan ng pagpayag sa mga dayuhang mamuhunan sa agrikultura
C. sa pamamagitan ng pagbili ng lupa na hinati mula sa malalaking asyenda
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit pinalitan ni Pangulong Diosdado Macapagal ang petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 patungong Hunyo 12?
A. upang ipakita na ang tunay na kalayaan ng Pilipinas ay nagsimula noong Hunyo 12, 1898
B. upang hindi ito kasabay ng Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos
C. upang makuha ang suporta ng mga dayuhang bansa
D. upang baguhin ang kasaysayan ng bansa
A. upang ipakita na ang tunay na kalayaan ng Pilipinas ay nagsimula noong Hunyo 12, 1898
Kung ikaw ay isang mamamayan noong panahon ng Ikatlong Republika, paano mo susuportahan ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng pinsalang dulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Magtrabaho sa ibang bansa at ipadala ang pera sa Pilipinas.
B. Umasa lamang sa dayuhang tulong mula sa Estados Unidos.
C. Tangkilikin ang mga produktong Pilipino at suportahan ang mga lokal na negosyo.
D. Magprotesta laban sa gobyerno upang mapabilis ang muling pagtatayo ng bansa.
C. Tangkilikin ang mga produktong Pilipino at suportahan ang mga lokal na negosyo.
Paano magagamit ng Pilipinas ang karapatan nito sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang palakasin ang ekonomiya?
A. sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga dayuhan na angkinin ang mga likas-yaman ng bansa
B. sa pamamagitan ng pagbuo ng kasunduan sa kalakalan sa ibang bansa
C. sa pamamagitan ng hindi pakikilahok sa pandaigdigang merkado
D. sa pamamagitan ng pagbebenta ng teritoryo sa mga banyaga
B. sa pamamagitan ng pagbuo ng kasunduan sa kalakalan sa ibang bansa
Paano maipapakita ng mga Pilipino ang pagpapahalaga sa soberaniya ng bansa?
A. sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga dayuhang negosyo
B. sa pamamagitan ng pagbebenta ng teritoryo sa ibang bansa
C. sa pamamagitan ng pagprotekta sa likas-yaman ng bansa at pagsunod sa batas
D. sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mga dayuhan na gumawa ng sariling batas sa bansa
C. sa pamamagitan ng pagprotekta sa likas-yaman ng bansa at pagsunod sa batas
Ano ang epekto ng pagiging pro-Amerikano ni Pangulong Roxas sa kanyang administrasyon?
A. pinababa siya sa puwesto ng mga Pilipino
B. itinigil niya ang pakikipag-ugnayan sa Amerika
C. pinuri siya ng mga Pilipino dahil sa kanyang paninindigan sa kasarinlan
D. naging kontrobersyal siya dahil sa neocolonialism at kontrol ng Amerika sa ekonomiya ng Pilipinas
D. naging kontrobersyal siya dahil sa neocolonialism at kontrol ng Amerika sa ekonomiya ng Pilipinas
Ano ang kahalagahan ng patakarang "Filipino First Policy" sa ekonomiya ng bansa noong panahon ni Pangulong Garcia?
A. upang bawasan ang pag-export ng produkto ng Pilipinas
B. upang palitan ang wika ng edukasyon mula Ingles patungong Filipino
C. upang hikayatin ang mas maraming dayuhang kumpanya na mamuhunan sa bansa
D. upang bigyang-prayoridad ang mga negosyong Pilipino kaysa sa dayuhang negosyo
D. upang bigyang-prayoridad ang mga negosyong Pilipino kaysa sa dayuhang negosyo
Bakit naging isang malaking hamon ang katiwalian sa pamahalaan noong panahon ng Ikatlong Republika?
A. dahil napalakas nito ang ekonomiya ng bansa
B. dahil ito ay nagbigay ng benepisyo sa lahat ng mamamayan
C. dahil naging mas madali para sa mga Pilipino ang pagnenegosyo
D. dahil nagdulot ito ng pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa kanilang mga pinuno
D. dahil nagdulot ito ng pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa kanilang mga pinuno
Ano ang pangunahing layunin ng mga proyektong pang-imprastruktura sa Pilipinas noong 1954-1955?
A. palakasin ang sektor ng turismo sa bansa
B. magtayo ng mga base-militar sa iba't ibang lalawigan
C. magpataas ng buwis upang madagdagan ang pondo ng gobyerno
D. magtayo ng kalsada, tulay, at irigasyon upang mapabilis ang pag-unlad ng mga rural na komunidad
D. magtayo ng kalsada, tulay, at irigasyon upang mapabilis ang pag-unlad ng mga rural na komunidad
Ano ang naging impluwensya ng Amerika sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas?
A. pinababa nila ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas
B. ipinatigil nila ang paggamit ng wikang Ingles sa paaralan
C. pinalakas nila ang edukasyong tradisyonal ng mga Pilipino
D. pinakilala nila ang sistemang pampublikong paaralan sa bansa
D. pinakilala nila ang sistemang pampublikong paaralan sa bansa
Ano ang kahalagahan ng Economic Development Corps (EDCOR) na ipinatupad sa panahon ni Pangulong Magsaysay?
A. upang suportahan ang industriyalisasyon sa malalaking lungsod
B. upang bawasan ang impluwensya ng Estados Unidos sa ekonomiya ng bansa
C. upang palakasin ang hukbong sandatahan ng Pilipinas laban sa mga komunista
D. upang bigyan ng pagkakataon ang mga dating kasapi ng Huk na mamuhay ng mapayapa
D. upang bigyan ng pagkakataon ang mga dating kasapi ng Huk na mamuhay ng mapayapa
Paano mo masusuri kung naging matagumpay ang mga programang pang-imprastruktura noong Ikatlong Republika?
A. sa pamamagitan ng pagsusuri kung napabuti ang transportasyon at koneksyon sa bansa
B. sa pamamagitan ng pagsukat sa bilang ng Pilipinong lumipat sa ibang bansa
C. sa pamamagitan ng pagtingin sa bilang ng dayuhang mamumuhunan
D. sa pamamagitan ng pag-alam kung bumaba ang presyo ng langis
A. sa pamamagitan ng pagsusuri kung napabuti ang transportasyon at koneksyon sa bansa
Paano nakatulong ang pagtatayo ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 1949?
A. Pinanatili nito ang katatagan ng halaga ng piso at ng ekonomiya ng bansa.
B. Itinigil nito ang lahat ng pangungutang ng bansa sa ibang bansa.
C. Pinahina nito ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansa.
D. Itinaas nito ang halaga ng palitan ng piso laban sa dolyar.
A. Pinanatili nito ang katatagan ng halaga ng piso at ng ekonomiya ng bansa.