KONSEPTONG PANGWIKA
VARAYTI NG WIKA
GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN
KATANGIAN NG WIKA
WIKA
100

Nasa isang meeting ang mga guro. Pinagdesisyunan nilang ang mga opisyal na dokumento ng paaralan ay dapat isulat sa Filipino. Anong konseptong pangwika ang ipinapakita?

Wikang Opisyal

100

Ang isang guro ay gumagamit ng mas pormal na Filipino kapag nasa klase, ngunit gumagamit ng impormal na tono kapag kasama ang mga kapwa guro. Ano ito?

Register

100

Nagpa-survey si Lito upang malaman ang paboritong pagkain ng mga kaklase niya. Anong gamit ng wika ito?

Heuristiko

100

Ang salitang “beshie” ay nauso sa mga kabataan at kalaunan ay nagbago ang kahulugan. Anong katangian ng wika ito?

Dinamiko

100

Sa isang grupo ng mga batang mula sa iba’t ibang rehiyon, ginamit nila ang Filipino upang magkaintindihan. Ano ang tawag dito?

A. Wikang Panturo                                                   C. Wikang Opisyal
 B. Wikang Pambansa                                              D. Lingua Franca

 

 D. Lingua Franca

200

Si Liza ay lumaki sa Zamboanga at ang unang wikang natutunan niya ay Chavacano. Ano ang tawag dito?

Unang Wika / Mother Tongue

200

Si Carlo ay palaging gumagamit ng katagang “Yown!” sa tuwing masaya siya. Ano ang tawag dito?

Idyolek

200

Nagpaliwanag ang guro ng bagong aralin sa klase. Anong gamit ng wika ito?

Impormatibo

200

Sa mga katutubo, maraming katawagan para sa “mais” batay sa uri at gamit nito. Anong katangian ng wika ang ipinapakita?

Kabuhol ng Kultura

200

Kapag ang isang tao ay may dalawang wika na ginagamit nang mahusay, anong tawag dito?

Bilingguwalismo

300

Sa isang pamilyang nakatira sa Baguio, ang mga anak ay marunong mag-Ilocano at Filipino, samantalang ang mga magulang ay Ingles ang gamit sa trabaho.

Multilingguwalismo

300

Sa isang grupo ng kabataan, karaniwan ang paggamit ng salitang “lodi” at “werpa.” Anong varayti ng wika ito?

Sosyolek

300

Gumawa ng tula si Arvin tungkol sa pangarap niyang maging astronaut. Anong gamit ng wika ito?

Imahinatibo

300

Sa klase, hindi makagawa ng sanaysay si Bea dahil hindi niya alam ang tamang tuntunin sa balarila. Anong katangian ng wika ito?

Masistemang Balangkas

300

Can I buy this pagkain? I'm so gutom na. Anong anyo ng paggamit ng wika ang ipinapakita? 

Code-Mixing

400

Nag-utos ang gobyerno na lahat ng signage sa paliparan ay nasa Ingles at Filipino. Anong konseptong pangwika ang ipinapakita sa pangungusap.

Wikang Opisyal

400

Sa isang baryo sa Bicol, ginagamit ang salitang “oragon” bilang papuri. Ano ang tawag sa wika batay sa heograpikal na lokasyon?

Dayalek

400

Nagbigay ng panuto ang barangay captain tungkol sa tamang paghihiwalay ng basura. Anong gamit ng wika ito?

Regulatoryo

400

Sa Bl. Jose Maria, tuwing babagsak sila sa pagsusulit napagkasunduan nilang gamitin ang "Nice Try Lang" bilang pagpapakita ng katatagan at pagbawi sa susunod na pagsusulit.

Arbitraryo

400

Sa isang bansang multikultural, may mga taong sabay-sabay nakakaunawa ng tatlo o higit pang wika. Ano ang tawag sa sitwasyong ito?

Multilingguwalismo

500

Si Ana ay nakikipag-usap sa kaniyang lola gamit ang Ilocano, sa kaniyang barkada gamit ang Filipino, at sa kaniyang online clients gamit ang Ingles. Ano ang tawag sa ganitong kakayahan ng tao?

Bilingguwalismo

500

Ang wikang Chavacano sa Zamboanga ay bunga ng pagsasanib ng Espanyol at katutubong wika. Anong uri ng varayti ito?

Creole

500

Isang magulang ang nag-utos sa anak na maghugas ng pinggan, at kalaunan ay nagbigay rin ng paliwanag kung bakit ito mahalaga. Pagsamahin ang dalawang gamit ng wika na makikita rito.

Instrumental + Impormatibo

500

Dahil hiniwalayan si Markus ng kaniyang kasintahan, ginamit niya ang kaniyang karanasan upang makabuo ng tula. Anong katangian ng Wika ito?

A. May kapangyarihang lumikha
 B. Arbitraryo
 C. Dinamiko
 D. Tunog


A. May kapangyarihang lumikha

500

Ipaliwanag: Bakit itinuturing na heterogenous ang wika sa Pilipinas?

Dahil iba-iba ang wika at dayalek sa bawat rehiyon, kaya’t hindi iisa ang gamit ng wika sa buong bansa.