Kabuuang paraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng mga tao sa isang teritoryo.
A. Kultura B. Panayam C. Wika D. Komunikasyon
A. Kultura
Isang proseso ng paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin.
A. Wikang Panturo B. Wika
C. Komunikasyon D. Kultura
C. Komunikasyon
Ito angnamamagitan upang maunawaan ang sarili, karanasan, kapuwa tao, paligid, mundo, obhektibong realidad, panlipunang realidae, politico, at kultura.
A. Wika B. Komunikasyon C. Pamilya D. Kultura
B. Komunikasyon
Sinasabing pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang ito na ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan sa mamamayang kanilang sakop. A. Wika B. Wikang Panturo
C. Wikang Pambansa D. Wikang Opisyal
C. Wikang Pambansa
Uri ng konseptong pangwika na ginagamit upang makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng edukasyon.
A. Wikang Pambansa B. Wika
C. Wikang Opisyal D. Wikang Panturo
D. Wikang Panturo
Bahagi ng pag-oorganisa o pagsasaayos ng isang sanaysay na maaaring magsimula sa tanong, pangungusap, na makatawag-pansin, sa pamamagitan ng isang kwento, sa isang diyalogo, tuwirang sipi, malalim na pangungusap na nagtataglay ng kaisipan at maaaring mag-simula sa tuwirang paksa.
A. Panimula B. Gitna C. Wakas D. Katawan
A. Panimula
Bahagi ng pag-oorganisa o pagsasaayos ng isang sanaysay na tinatawag ding katawan ng isang akda tulad ng sanaysay.
A. Gitna B. Wakas C. Panimula D. Katawan
A. Gitna
Ito ay isa sa gamit ng wika na ayon sa antas na siyang pinakababang antas ng wika.
A. Teknikal
B. Balbal
C. Lalawiganin
D. Masining o pampanitikan
B. Balbal
Ito naman ang sinasabing siyang pinakamataas na antas ng wika.
A. Lalawiganin B. Teknikal C. Balbal
D. Masining o pampanitikan
D. Masining o pampanitikan
Isa rin sa gamit na wika na ayon sa antas na ang mga salitang ginagamit ay mula sa lalawigan.
A. Balbal B. Lalawiganin C. Teknikal
D. Masining o pampanitikan
B. Lalawiganin
Tumutukoy sa dalawang wika.
A. Bilingguwalismo B. Multilingguwalismo
C. Bernakular D. Homogenous
A. Bilingguwalismo
Tawag sa wikang katutubo ng isang pook.
A. Bernakular B. Homogenous
C. Heterogenous D. Bilinguwalismo
A. Bernakular
Konsepto ng wika na ipinahahayag na may iisang katangian ang wika at karaniwang isa lamang ang layunin at gumagamit.
A. Bernakular B. Heterogenous
C. Homogenous D. Bilinguwalismo
B. Heterogenous
Konsepto ng wika na ayon kay Alonzo (2002) ito ay wika ng isang maliit na grupo o pormal o makabuluhang katangian ng nag-uugnay sa particular na uri ng katangiang sosyo-sitwayonal.
A.Idyolek B. Barayti C. Bernakular D. Register
B. Barayti
Ito ang punto o paraan ng pagsasalita ng tao.
A. Register B. Bernakular C. Barayti D. I dyolek
D. Idyolek
Ano ang tawag sa istilo ng pananalita batay sa gamit? A. Barayti B. Filipino C. Idyolek D. Register
D. Register
Isang babasahin ng tumutugon sa gamiting pagbasa o pagbasa para sa tiyak na layunin.
A. Komiks B. Radyo C. Adbertisment D. pahayagan
D. pahayagan
Ano ang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas batay sa itinadhana ng Saligang-batas ng 1987?
A. Tagalog B. Filipino C. Bisaya D. Ilokano
B. Filipino
Sa panahong ito sapilitiang ipinaturo ang Nihongo at inalis ang Ingles.
A. Panahon ng Amerikano B. Panahon ng Kastila
C. Panahon ng Muslim D. Panahon ng Hapon
D. Panahon ng Hapon
Sistema ng komunikasyon na nagtatanong para makakuha ng impormasyon, tulad ng opinion, kaisipan o tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakatatawag ng kawilihan sa madla, karaniwang nagmumula sa tanyag na tao o kilalalang awtoridad. A. Telepono B. Social Media
C. Pakikipanayan D. Adbertisment
C. Pakikipanayan
Isang akda sa panmamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay naglalarawan ng kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao.
A. Awit B. Dula C. Pelikula D. Musika
B. Dula
Sangay ng Humanidades na pinagsama-sama ang tunog ng ibat ibang tono upang makalikha ng isang katha na nagpapahayag ng iba’t ibang kaisipan at damdamin.
A. Musika B. Pelikula C. Awit D. Dula
A. Musika
Isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kwento.
A. Pelikula B. Awit C. Komiks D. Adbertisment
C. Komiks
Tila isang maikling pelikula o isang nakasulat na pabatid/imposmasyon na ipinalalabas sa publiko upang makatulong na mabili ang produkto.
A. Nobela B. Adbertisment C. Panaya D. Panayam
B. Adbertisment
Makabagong paraan ng pagpapahayag ng mga emosyon gamit ang social networking site.
A. Hugot lines B. Facebook C. Twitter D. Pagsayaw
A. Hugot lines