BUGTONG
SALAWIKAIN
SAWIKAIN
KAWIKAAN
TULA
20
Ito ay pahulaan o palaisipang may sukat at tugma.

BUGTONG

20

Ito ay pahayag na naglalaman ng payo, aral at paalalang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

SALAWIKAIN

20

Ito ay ang salita o pariralang may taglay na talinghaga at nakatagong kahulugan.

SAWIKAIN


20

Ito ay hindi gumagamit ng talinghaga. Direkta pinapakita ang mensahe nito

KAWIKAAN

20

Ano ang TULA?

DEPENDE SA MAG-AARAL ANG SAGOT.

30

Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.

ATIS

30

Huwag hatulan ang aklat, ayon sa pabalat.

Huwag magbigay-opinyon sa ibang tao kung hindi mo alam ang kanilang pinagdaanan at kanilang buhay.

30

Ibigay ang kahulugan ng SAWIKAIN na ito:

"Ilista sa Tubig"

KALIMUTAN

30
Ano ang ibig sabihin ng;


"Ang kaibigang tapat, karamay kahit na sa hirap"

Sinabi na kung mabuti at tapat ka sa iyong kaibigan ay tutulungan ka sa lahat, magiging karamay mo sila.

30

Ano ang tatlong uri ng PERSONA?

UNANG PANAUHAN

IKALAWANG PANAUHAN

IKATLONG PANAUHAN

40

Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako.

LANGKA

40

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.

Kung ano ang kinalakihan o saang lugar lumaki ang isang tao (pamilya, kaibigan, etc.) ay sya ring mag-kukumbinsi sa pagkapareho nito sa kanila.

ex. kung galing ka sa pamilyang MABABAIT, ikaw rin ay MABAIT.

40

Ibigay ang kahulugan ng SAWIKAIN na ito:

"Magdilang-Anghel"

MAGKATOTOO ANG SINABI

40

Ano ang ibig sabihin ng;

"Kalooban ang sukatan, sa tunay na kagandahan"

Sinabing ang tunay na kagandahan ay ang pagkamabuti ng isang tao; sa kagandahang-asal at respeto nito sa iba.

40

Ano ang TALINGHAGA? at magbigay ng dalawang (2) halimbawa ng salitang talinghaga.

DEPENDE ANG SAGOT SA MAG-AARAL.


50

Ano ang mga karaniwang paksa ng BUGTONG?

- bagay-bagay sa paligid.

- pangyayari sa araw-araw na buhay ng ating mga ninuno.

50

Sa anong paraan ginagamit ang SALAWIKAIN?

- bilang payo;

- bilang pangaral; at pagpapaalala

- pagturo ng kagandahang-asal sa kabataan

50

Ano ang naging gamit ng SAWIKAIN sa ating mga ninuno para sa henerasyon?

- pagpapayo at pagtuturo ng kabutihan

- magbigay-gabay araw-araw na pamumuhay

50

Ano ang pagkakaiba ng SAWIKAIN at KAWIKAAN?

DEPENDE ANG SAGOT SA MAG-AARAL

50

ANO ANG PAGKAKAIBA NG MGA SUMUSUNOD;

TONO V.S DETALYE

TONO - Ito ay tumutukoy sa damdamin at emosyon taglay ng tula.

DETALYE - Ito ay ang paksa o tema, nilalaman, at kaisipang taglay ng isang tula.

60

Ano ang naging layunin o dahilan sa pagkabuo ng mga BUGTONG?

- magbigay-payo at aral

- mapahalagahan ang kulturang Pilipino

60

Magbigay ng apat (4) na mga kaugaliang maitataglay sa pagtuturo ng SALAWIKAIN.

MATIPID, MASIPAG, MATIYAGA, MAGSIKAP, MATAPANG

60

Magbigay ng limang (5) halimbawa ng SAWIKAIN at kahulugan nito.

DEPENDE ANG SAGOT SA MAG-AARAL

60

Paano ginagamit ang KAWIKAAN sa mga kabataan?

Ito ay ginagamit bilang pangaral at pagturo ng kabutihang-asal at ayos na pakikipamuhay sa komunidad.

60

ANO ANG PAGKAKAIBA NG MGA SUMUSUNOD;

TUGMA V.S SUKAT V.S TALINGHAGA

TUGMA - Ito ay ang mga magkaparehong tunog ng mga salita sa hulihan ng linya (taludtod)

SUKAT - Ito ay bilang ng pantig sa bawat linya (taludtod) ng saknong

ex. Sa- a- king- pag- la- lak- bay - 7

TALINGHAGA - Ito ay salita o parirala na may malalim na kahulugan.