Magbigay ng isang salita na may kaugnayan sa salitang "paaralan".
GURO, ESTUDYANTE, SPC atbp.
Magbigay ng isang halimbawa ng kolokasyon sa salitang "tao".
taong-grasa, taong-gubat, masamang tao atbp.
Magbigay ng isang halimbawa ng elemento ng tula.
sukat, tugma, persona, talinhaga, saknong, atbp.
Magbigay ng isang uri ng sanaysay.
PORMAL, DI PORMAL, MALAYA
Ito ay nagmula sa pariralang Ingles na stand-by, na ang ibig sabihin ay magpahinga sa isang lugar.
tambay
Magbigay ng dalawang salita na may kaugnayan sa salitang "cellphone".
gadget, text, message atbp.
Magbigay ng dalawang halimbawa ng kolokasyon sa salitang "puso".
pusong-mamon, puso ng saging, bakal na puso atbp.
Ito ay isang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa loob ng isang taludtod.
sukat
Magbigay ng isang bagay na isinusulat/ tinatalakay sa loob ng sanaysay.
Puna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, atbp.
Ito ay nagmula sa pariralang Ingles na up here na ang ibig sabihin ay mag hig-five.
apir
Magbigay ng tatlong salita na may kaugnayan sa salitang "crush".
pangalan ng crush, inspirasyon, pag-ibig atbp.
Magbigay ng tatlong halimbawa ng kolokasyon sa salitang "bahay".
malaking bahay, bahay-kubo, bahay-bahayan atbp.
Ito ay isang uri ng tula na tumutukoy sa paggamit ng matatas na wika bilang bahagi ng kagandahan ng isang tula.
Talinhaga
Magbigay ng dalwang elemento ng sanaysay.
Tema at Nilalaman, Anyo at Istruktura, Kaisipan, Wika at Istilo, Larawan ng Buhay
Ito ay nagmula sa salitang “lunod” na ang ibig sabihin ay lumubog.
Kanluran
Ibigay ang kahulugan ng salitang "trabaho".
Isang gawain na maaaring mapagkukunan ng pera.
Magbigay ng apat na halimbawa ng kolokasyon sa salitang "tamad".
Juan tamad, tamad-tamaran, malaking tamad, tamad na anak, atbp.
Ano ang tawag sa isang saknong na may limang taludtod o linya?
Quintet
Ibigay ang tatlong bahagi ng sanaysay.
SIMULA, KATAWAN, WAKAS
Nagmula sa salitang Espanyol na “Pascua” na isang mahalagang pagdiriwang ng kapanganakan ni Hesukristo.
Pasko
Ibigay ang kahulugan ng salitang "nakakapagpabagabag".
unsettling, nakakabahala, nakakakaba
Magbigay ng limang halimbawa ng kolokasyon sa salitang "katapusan".
Walang katapusan, hanggang katapusan, katapusan ng mundo, katapusan ng buhay, katapusan ng tao, atbp.
Tukuyin ang dalawang uri ng tugma at ipaliwanag.
ganap at di ganap
Sino ang nagpahayag na ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita, ang sanay at pagsasalaysay?
Alejandro G. Abadilla/ AGA
Nagmula sa salitang Indonesian na “merpati” na nangangahulugang isang uri ng ibon.
kalapati