R
E
B
Y
U
100

Ang _______________ ay mga kataga o salitang nag-uugnay ng pangngalan o panghalip sa iba pang salita sa pangungusap.

A. Pang-angkop

B. Pangatig

C. Pang-ukol

C. Pang-ukol

100

Ano-ano ang mga salitang ginagamit sa tiyak na ngalan ng tao?

A. kay at kina

B. sa

C. wala sa nabanggit

A. kay at kina

100

Ang _________ ay mga katagang nag-uugnay ng salita sa kapwa salita. Napadudulas nito ang pagbigkas sa pariralang pinaggagamitan.

A. Pang-angkop

B. Pang-ukol

C. Pangatnig

A. Pangatnig

100

Ano ang mga pang-angkop na ginagamit sa pangungusap?

A. na at -g

B. na, -ng at -g

C. na at -ng

C. na at -ng

100

Ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap ay tinatawag na ___________.

A. simuno

B. panaguri

C. lahat ng nabanggit.

A. simuno

200

Kumpletuhin ang pangungusap.

1. __________ Roberto, hindi pa siya nakapagdidilig ng halaman.

PARA SA o AYON KAY

Ayon kay Roberto, hindi pa siya nakapagdidilig ng halaman.

200

Kumpletuhin ang pangungusap.

Ang narinig kong kwento mula kay nanay ay _____________ paraan ng pagluluto ng Sinigang.

Pumili: TUNGKOL SA o TUNGKOL KAY

Ang narinig kong kwento mula kay nanay ay tungkol sa paraan ng pagluluto ng Sinigang.

200

Piliin sa panaklong ang iyong sagot.

Maglalaro sana ako sa labas (ngunit, dahil) umuulan.

NGUNIT

200

Piliin sa panaklong ang iyong sagot.

Si Aling Linda ay nagbebenta ng haluhalo (at, subalit) mais con yelo.

AT

200

Punan ang patlang ng pang-angkop upang mabuo ang salita.

malamig + _____ + hangin = ______________

lampin + _____ + basa = ____________


malamig + na + hangin = malamig na hangin

lampin + -ng + basa = lamping basa

300

Tukuyin at isulat ang SIMUNO sa pangungusap.

Ang mga bata ay nagtatakbuhan sa labas.

SIMUNO: Ang mga bata

300

Tukuyin at isulat ang PANAGURI sa pangungusap.

Si Aling Nida ay naglalaba ng mga damit.

PANAGURI: ay naglalaba ng mga damit

300

Kumpletuhin ang pangungusap, piliin ang titik ng tamang sagot.

Nagbakasyon kami sa Baguio______________.

A. upang mamitas ng mga strawberry.

B. dahil ayokong kumain.

A. upang mamitas ng mga strawberry.

300

Ano-anong mga bantas ang ginagamit sa PAKIUSAP na pangungusap?

TULDOK (.) at TANDANG PANANONG (?)

300

Magbigay ng isang halimbawang salita na ginagamit sa PAKIUSAP na pangungusap?

Maaari/Pwede/Paki-

400
Anong pang-ukol ang maaaring gamitin sa pangungusap?


Ang mga prutas na ito ay ___________ Emilio at Michael.

kina/para kina

400

Dugtungan ang pangungusap.

Nagbabasa ako ng libro at ___________________.

Nagbabasa ako ng libro at nagsasagot ng takdang-aralin.

400

Kopyahin ang pangungusap, bilugan ang simuno at salungguhitan ang panaguri.

Kami ay pupunta sa Baguio.

(Kami) ay pupunta sa Baguio.

400

Ano ang angkop na pangatnig na maaaring gamitin sa pangungusap?

Matutulog na ako _______ maaga pa ang pasok namin bukas.

dahil

400

Lagyan ng wastong bantas at tukuyin ang uri ng pangungusap.


Hala ____ Wala akong makita ____

Uri:

Hala ! Wala akong makita ./!

Uri: PADAMDAM

500

Gamitin sa pangungusap ang mga salita.

PANG-UKOL: para sa

SALITA: pusa

Halimbawang sagot:

Para sa aking pusa ang laruan na ito.

500

Bumuo ng sariling pangungusap at gamitin ang pangatnig.

salita: mainit

pangatnig: dahil

Pinagpapawisan ako dahil mainit.

500

Pag-ugnayin ang dalawang salita sa bawat bilang gamit ang tamang pang-angkop.

Pagkatapos ay gamitin ang mga ito sa pangungusap.

maliwanag ilaw

Pangungusap: __________________________________________________________________________________________________________________________________

Kitang-kita namin ang maliwanag na ilaw mula sa kanyang bahay.

500

Gamitin ang salita sa PANAGURI.

bulaklak

Bumili ng bulaklak si tatay para kay nanay.

500

Bumuo ng sariling pangungusap.


salita: papel

uri: PAKIUSAP

Halimbawang sagot:

Maaari mo bang i-abot ang papel na iyon?

Pwede mo ba siyang bigyan ng papel?

Pakibigyan mo siya ng papel.