palaisipan/ bugtong
Angpagkadiwangmakataaylikassaatingmganinuno.AyonkayAlejandro Abadilla, “bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin.” Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang patula na tinatawag na?
Karunungang bayan
ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan na naglalaman ng pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan, o iba pang bagay. Ang mga pangyayari sa isang alamat ay maaring maging totoo o likha lamang ng mayamang guniguni ng manunulat. Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang legend ng Ingles.
Alamat
ito ay ang literal at tiyak na kahulugan ng salita na makikita sa isang diksyunaryo.
Denotasyon
Ito ay isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. May dalawang anyo ang sanaysay. Ito ang pormal o maanyo at pamilyar o personal.
Sanaysay
Ito ay ang sagutang pag-uusap ng mga nagsisiganap. Ito ang linyang binibitawan ng bawat karakter.
Dayalogo
Ito ay mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga pampublikong sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang naipararating ang mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Maaaring ito ay nasa anyong salawikain, kasabihan o maikling tula.
Tugmang De-gulong
ang anyo ng panitikang ito ay bahagi ng katutubong panitikan na nagsimula pa noon pa man na lumaganap at nagpasalinsalin sa iba’t-ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan at karaniwang naglalahad ng mga kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
Kuwentong bayan
ito ay pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat liban sa iginigiit ng panahon. Ito ay pagpapakahulugang iba kaysa sa karaniwang
Konotasyon
Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik
Pormal
Tumutukoy sa pag-iilaw, komposisyon, galaw at iba pang teknik na may kaugnayan sa kamera. Ito ang masining na pagpoposisyon ng anggulo at mga puwesto ng larawan na mapapanood sa isang pelikula o dulang pantelebisyon.
Sinematograpiya
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito nang patula at kalimitang maiksi lamang.
Bugtong
pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.
Kasukdulan
Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinalaysay. Maaaring simulan ito sa: noong una, sa simula pa lamang at iba pang pananda.
Simula
Elemento ng Sanaysay na naglalahad na dapat ay mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
Wika at estilo
ito ay sulyap na pabalik ay ang reperensiya kung binanggit na sa unahan ang salita.
Anapora/anaporik
ito ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastan.Sa tulong nito magiging malinaw rin ang mensahe,damdamin o kaisipang nais ipahatid sa kausap.
ponemang suprasegmental
ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng katha. Sa likod ng bawat kilos at tinig ng pangunahing tauhan ay lagging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.
May-akda
ito ay napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng tagapakinig o mambabasa. Maaaring gumamit ng: sa huli, sa wakas o iba pang panandang naghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.
Wakas
Ayon kay ____, ang pagsulat ng isang sanaysay ay isang paraan upang maipahayag ang personal na karanasan, damdamin, at kuro-kuro o palagay.
Michel Montaigne
Ito sulyap na pasulong ay ang reperensiya na binabanggit sa dakong hulihan o nagdudulot ng kasabikan o interes sa pahayag.
Katapora/Katporik
ito ang saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa ating kausap.
Antala
Isa siyang manunulat, tagapagsalin at guro ng panitikan sa Filipino. Siya ay makapitong ulit na nagkamit ng Gawad KADIPAN sa pagsulat ng maikling kuwento (nang estudyante pa ng FEU), at nagkagantimpala na rin sa patimpalak ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
Simplicio P. Bisa
Sa bahaging ito, mabuting mapanatili ang kawing-kawing na pangyayari at paglalarawang nasimulan. Maaaring gamitin ang: kasunod, pagkatapos, saka, sumunod, walang ano-ano’y at iba pa na naghuhudyat ng kasunod na pangyayari.
Gitna
Ayon sa kanya ang sanaysay ay "nakasulat sa karanasan ng isang sanay sa pag sasalaysay
Alejandro Abadilla
Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon, kaisipan o mga detalye o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.
Pangunahing Kaisipan