Ilang araw naging matumal ang benta ni Li Huiquan?
tatlo
Saang bahagi ng talumpati makikita ang buod ng mga ideyang naunang binanggit?
Wakas
Aling elemento ng dula ang tumutukoy sa pagpapalit ng tagpuan o backdrop sa entablado?
Tagpo
Aling uri ng pangatnig ang ginagamit upang pagsamahin ang positibo at negatibong ideya?
Paninsay/ Pasalungat
Ano ang hanapbuhay ng mga bumili sa kanya sa ika-apat na araw?
karpintero
Aling uri ng talumpati ang nagbibigay ng kaunting panahon upang makapaghanda ang mananalumpati?
Ekstemporanyo/ Maluwag
Base sa dulang Munting Pagsinta, saan nagkita sina Temujin at Borte?
Dampa
Aling uri ng pangatnig ang ginagamit upang idugtong ang ideya sa isang kondisyon?
Ano ang aral na hatid ng akdang Niyebeng Itim?
Huwag mawalan ng pag-asa.
Aling uri ng talumpati ang ginagamit sa mga panayam, kumbensyon, at pagtitipong pang-siyentipiko?
Pangkabatiran
Anong estilo sa pagkukwento ang ginamit sa nasabing dula?
Flashback
Anong pang-angkop ang dapat gamitin sa
"mahigpit seguridad"?
na
Ano ang sinisimbolo ng pamagat na “Niyebeng Itim”?
niyebe= natutunaw, itim= mga pagsubok sa buhay
Naanyayahan sa isang Youth Camp si James at naatasan siyang magbahagi ng mga kakatwang karanasan bilang isang mag-aaral noong siya’y nasa hayskul pa. Anong uri ng talumpati ang kanyang ibabahagi?
Pampasigla
Kilala sa mundo si Temujin bilang...
Genghis Khan
“Papunta kami sa Tribong Merit upang pumili ng mapapangasawa…_________ ikaw ang ibig ko, ang pinipili ko.”- Temujin
Anong pangatnig ang dapat gamitin?
ngunit/ subalit/ datapwat