1
2
3
4
5
100

Ito ay isang sining. Binubuo ito ng iba’t ibang mga elemento tulad ng tugma, sukat at talinghaga na kapag pinagsama-sama sa isang masinig na paraan ay nagbibigay ng karikitan?

Tula

100

Ito ang bilang o ibang tawag sa isang saknong na binubuo ng apat na taludtod.

Quatrain

100

Uri ng maikling kwento na sakapaloob sa kuwentong ito ang mga salaysaying hindi kapani-paniwala.

Kuwentong kababalaghan

100

Ito ay akdang pampanitikan na isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamain ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo o makapagbigay ng mensahe.

Dula

100

Ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula. Ang mga dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig.

Tugma

200

Sina Erika at Kristina ang pinagkatiwalaan ng guro na gumanap sa gagawing palabas. Sila ay maasahan sa larangan ng pagganap 

Tukuyin kung anong uri ng panghalip bilang panuring ang pahayag?

Anapora

200

Ito ay uri tulang liriko na nagpapahayag ng pagnanangis?

Dalitlumbay o Elehiya

200

"Ayaw ko ng mahahalagang bagay, simple lang ang mas gusto ko. Ito ay isang Brand new luxury watch." 

Anong uri ng tayutay ang pahayag?

Pag-uyam
200

"Ang mga kamay na nagtatanim ay nagdadala ng pag-asa para sa kinabukasan."

Pagpapalit-saklaw

200

Aray! Awww! Ngek! Uy! Wow!  ay anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin?

Maikling Sambitla

300

Isang mahaba at patulang pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari at pakikipagsapalaran sa buhay ng isang tauhang lubos na malakas at may taglay na hindi pangkaraniwang kapangyarihan at kinikilalang bayani ng lugar o bansang kanyang pinagmulan.

Epiko

300

Kinakailangan mong maghigpit ng sinturon dahil wala pa ang iyong allowance

Magtipid

300

Uri ng tayutay na naghahambing ng bagay na ginagamitan ng mga pariralang katulad ng, gaya ng at iba pa.

Pagtutulad

300

Ito ang panghalip na tumutukoy sa hulihan ng pangungusap o teksto bilang panimula sa pinalitang pangngalan sa unahan.

Anapora

300

"Kinindatan ako ng araw" Anong uri ng tayutay ang pahayag?

Pagbibigay-katauhan

400

Anyo ng dulang mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-tawa ngunit may tamas a damdamin at pagkatao ng kanauukulan.

Parodya

400

Uri ng dula na sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang wala nang masayang bahagi sa buhay kundi pawing problema at kaawa-awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito ay karaniwang mapapanood sa mga de-seryeng palabas sa telebisyon.

Melodrama

400

Ito ay uri ng Tulang Liriko na kilala bilang awit ng pag-ibig o kundiman

Dalitsuyo

400

Tulang liriko na kadalasan ginagamit ng mga sikat na manunulat tulad ni Shakespeare

Dalitwari
400

Ang tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod.

Tulang pasalaysay

500

Paraan ng pagpapahayag ng damdamin na guma-gamit ng matatalinghagang salita sa halip na tuwirang paraan.

Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan

500

Maraming pasa ang bata sa katawan dahil ang kanyang ama ay mabigat ang kamay. Ano ang ibig ipakahulugan ng may salungguhit?

Mapanakit

500

Uri ng tulang dula na isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan ng dula at hindi lamang para sa kanyang sarili kundi gayundin para sa mga kalagayan at himig.

Tulang dulang mag-isang salaysay 0 Dramatic Monologue

500

Ano ang apat na uri ng tula?

1. Tulang Liriko o Pandamdamin 

2. Tulang Pasalaysay 

3. Tulang Dula 

4. Tulang Patnigan (Justice Poetry)

500

Tukuyin ang apat na uri ng tulang patnigan

Karagatan

Duplo

Balagtasan

Batutian