PANGNGALAN
SANHI AT BUNGA
PANGHALIP
PANG-URI
PANDIWA
100

Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari?

A. PANGNGALAN                   B. PANDIWA

C. PANG-URI                        D. PANG-UKOL

A. PANGNGALAN

100

Ano ang ibig sabihin ng sanhi?

A. Resulta o kinalabasan ng pangyayari

B. Dahilan ng isang pangyayari

 

B. Dahilan ng isang pangyayari

100

Anong panghalip panao ang pamalit sa “Maria at ako”?

A. Sila      B. Ikaw          C. Tayo          D. Sina

C. Tayo

100

Alin sa mga ito ang pasukdol?

A. maganda      B. mas maganda    C. pinakamaganda

C. pinakamaganda

100

Tukuyin ang aspekto: “Naglaro si Anton sa parke.”

A. Naganap                  B. Nagaganap

C. Magaganap              D. Katatapos

A. Naganap

200

Alin sa mga sumusunod ang pangngalan?
A. maganda                   B. bata
C. mabilis                      D. malaki?

B. bata

200

Tukuyin ang sanhi: “Nalate si Lito dahil inantok siya.”

A. Na-late si Lito

B. dahil inantok siya

B. dahil inantok siya

200

Ano ang panghalip pananong?

A. Salitang pamalit sa ngalan ng tao

B. Salitang ginagamit sa pagtatanong

B. Salitang ginagamit sa pagtatanong

200

Tukuyin ang pinakamataas na kaantasan ng pang-uri:

A. maganda     B. mas maganda     C. pinakamaganda

C. pinakamaganda

200

Tukuyin ang aspekto sa pangungusap na, "Nagtatampisaw sa putikan ang mga bata."

A. Naganap                  B. Nagaganap

C. Magaganap              D. Katatapos

B. Nagaganap

300

Anong uri ng pangngalan ang “Manila Zoo”?

A. PANTANGI                B. PAMBALANA

A. PANTANGI

300

Tukuyin ang bunga: “Umuulan kaya hindi natuloy ang laro.” 

A. Umuulan                  B. hindi natuloy ang laro

 B. hindi natuloy ang laro

300

Anong panghalip pananong ang dapat gamitin: “____ ang gumawa ng proyekto?”

A. Ano          B. Sino           C. Bakit        D. Paano

B. Sino

300

Alin sa mga ito ang lantay?

A. maganda      B. mas maganda    C. pinakamaganda

A. maganda

300

Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap: “Siya ay tumatakbo sa palaruan.” 

A. tumatakbo                  B. palaruan

A. tumatakbo  

400

Tukuyin ang pambalana sa pangungusap: “Si Liza ay pumunta sa simbahan.

A. Si Liza                   B. pumunta

C. simbahan              D. wala sa nabanggit

C. simbahan      

400

Alin sa mga salitang ito ang nagsasaad ng sanhi o bunga? 

A. dahil        B. kaya        C. upang        D. ngunit?

B. kaya

400

Ano ang panghalip panao? 

A. Salitang pamalit sa ngalan ng tao

B. Salitang ginagamit sa pagtatanong

A. Salitang pamalit sa ngalan ng tao

400

Anong uri ng pang-uri pamilang sa pangungusap na, “Bumili si Gerald ng limang libro”?

A. Bumili        B. si Gerald        C. limang      D. libro

C. limang

400

Tukuyin ang aspekto: “Nag-aaral siya ngayon.”

A. Naganap                  B. Nagaganap

C. Magaganap              D. Katatapos

B. Nagaganap

500

Alin sa mga ito ang di-tiyak na ngalan?

A. aso       B. Lito      C. ate       D. doktora?

A. aso

500

Ano ang ibig sabihin ng bunga?

A. Resulta o kinalabasan ng pangyayari

B. Dahilan ng isang pangyayari

 

A. Resulta o kinalabasan ng pangyayari

500

Ang panghalip na "kami" ay isang______________?

A. Panghalip Pananong           B. Panghalip Panao

 B. Panghalip Panao

500

Alin ang pahambing sa pangungusap: “Mas matangkad si Lino kaysa kay Rico."?

A. Mas matangkad             B. si Lino

C. kaysa kay Rico               D. wala sa nabanggit

A. Mas matangkad

500

Tukuyin ang aspekto: “Mamamasyal kami bukas sa liwasang bayan.”

A. Naganap                  B. Nagaganap

C. Magaganap              D. Katatapos

C. Magaganap