BUGTONG
SAWIKAIN
EUPEMISMO
KASABIHAN
PAGHAHAMBING
100

Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

ANINO

100

Suportado kami ng haligi ng aming tahanan.

Ano ang tinutukoy ng sawikain?

TATAY

100

Ano ang kasingkahulugan ng eupemismong “malikot ang isip”?

MALAWAK ANG IMAHINASYON

100

Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng poot.

Ano ang ibig sabihin nito?

Maging mahinahon sa pakikipagtalo.

100

Magbigay ng salitang ginagamit sa paghahambing na magkatulad.

KASING, MAGKASING, KAPWA PAREHO

200

Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.

KANDILA

200

Marami ang naniningalang pugad kay Erica dahil sa akin niyang kagandahan.

Ano ang tinutukoy ng sawikain?

NANLILIGAW

200

Ano ang KASALUNGAT ng eupemismong “balingkinitan”?

MATABA

200

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

Ano ang ibig sabihin nito?

Tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa iyo.

200

Magbigay ng salitang ginagamit sa paghahambing na palamang.

LALO, MAS, HIGIT, LABIS, DI HAMAK NA MAS...

300

Isda ko sa maribeles, nasa loob ang kaliskis.

SILI

300

Nabutas ang bulsa ko sa mga ipinabili niyang damit.

Ano ang tinutukoy ng sawikain?

NAUBOS ANG PERA

300

Ano ang KASALUNGAT ng eupemismong “binawian ng buhay”?

NABUHAY

300

Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nagbibigkis.

Ano ang ibig sabihin nito?

Mas matatag ang samahan ‘pag sama-sama.

300

Magbigay ng salitang ginagamit sa paghahambing na pasahol.

DI-GAANO, DI GASINO, DI-TULAD

400

Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay.

BUMBILYA/ ILAW

400

Sa kabila ng mga dinanas na pang-aalipusta ay busilak pa rin ang puso ni Ana.

Ano ang tinutukoy ng sawikain?

MALINIS ANG KALOOBAN
400

Ano ang KASALUNGAT ng eupemismong “pihikan”?

WALANG ARTE

400

Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

Ano ang iboig sabihin nito?

Mas malaki ang nawawala kapag masyadong naghahangad.

400

Di-totoong wala nang mga taong walang pagmamalasakit sa kapwa sa panahon ngayon di-tulad noong unang panahon. 

Ano ang pinaghahambing sa pahayag na ito?

PAGMAMALASAKIT
500

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

AMPALAYA

500

Kailangan mong magsunog ng kilay dahil nalalapit na ang markahang pagsusulit.

Ano ang tinutukoy sa sawikain?

MAG-ARAL NANG MABUTI

500

Ano ang eupemismong ginagamit kung nais sabihin na mahirap ang isang tao?

HIKAHOS SA BUHAY

500

Aanhin ang bahay na bato kung ang nakatira ay kuwago; buti pa ang kubo na ang nakatira’y tao.

Ano ang ibig sabihin nito?

Hindi bale nang mahirap basta marunong makipagkapwa-tao.

500

Higit na kapuri-puri ang pagdaraos ng SEA games ngayong 2019 sa ating bansang Pilipinas kaysa sa nagdaang edisyon ng pagdaraos nito dito. 

Ano ang pinaghahambing sa pahayag na ito?

PAGDARAOS