May binti walang hita, may tadyang walang buto.
Payong
Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Gripo
Hindi pari, hindi hari, nagsusuot ng sarisari.
Abaniko (Fan)
May ulo, walang katawan.
Bawang (Garlic)
Maliit na bahay, may bintana, walang pintuan
Mata (Eye)
May puno, may dahon, pero hindi halaman.
Libro (Book)
Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako
Langka
Nagtago si Pedro, labas ang ulo
Pako
May bintana’y walang bubong
Kariton
Isang prinsesa, punong-puno ng mata
Pinya
Heto na ang magkapatid, nag uunahang pumanhik
Paa
Kay lapit sa mata, di mo parin makita
Tenga
May isang prinsesa, nakaupo sa tasa
Kasoy
Buto't balat, lumilipad
Sarangola
Bumili ako ng alipin, mataas pa sakin
Sumbrero
Hindi hayop, hindi tao, nag susuot ng sombrero
Kabute
Araw araw nabubuo, taon-taon binubuo
Kalendaryo
Kung kalian mo pinatay, saka pa humaba ang buhay
Kandila
Mataas kapag nakaupo, mababa kapag nakatayo
Aso
Tubig na nagiging bato, bato na nagiging tubig
Yelo
Maliit na Bahay, punong puno ng patay
Posporo
Hindi prinsesa, hindi reyna, bakit may korona
Bayabas
Kaisa-isang plato kita sa buong mundo
Buwan
Ako ay may kaibigan kasama ko Kahit saan
Anino
Bata pa si nene, marunong nang manahi
Gagamba