Habang nagbabasa si Mark, hinuhulaan niya kung ano ang maaaring mangyari sa susunod na bahagi ng kwento. Anong teorya ng pagbasa ito?
ITAAS-PABABA
Nakakita si Lara ng isang ad na nanghihikayat na bumili ng bagong cellphone. Anong uri ng teksto ito?
PERSUWEYSIB
"Malakas ang loob niyang sumali sa paligsahan, pero takot namang humarap sa entablado." Anong uri ng tayutay ito?
PAGTATAMBIS (OXYMORON)
"Kung hindi mo ako bibigyan ng mataas na grado, sasabihin ko sa principal na hindi ka mabuting guro!" Anong maling pangangatwiran ito?
AD BACULUM
Habang nagbabasa si Liza, napansin niyang may mga bahagi ng kwento na sadyang hindi isinalaysay upang bigyan ng misteryo ang takbo ng istorya. Anong pamamaraan ito?
ELLIPSIS
Bago bumili ng isang libro, binasa ni Marco ang buod sa likod nito upang malaman kung ito ay kawili-wili. Anong uri ng pagbasa ito?
PREVIEWING
Nagbasa si Bryan ng talambuhay ni Jose Rizal. Anong uri ito?
NARATIBO
"Mas mahirap pa siya kaysa sa daga." Anong uri ng tayutay ito?
PAGTUTULAD (SIMILE)
"Hindi mo mapapatunayan na totoo ang sinasabi ko, kaya ibig sabihin, mali ka!" Anong maling pangangatwiran ito?
AD IGNORANTIAM
Sa isang kwento, biglang may lumitaw na mahiwagang nilalang na nagbigay ng solusyon sa problema ng pangunahing tauhan. Anong pamamaraan ito?
DEUS EX MACHINA
Naiintindihan ni Mia ang kahulugan ng isang tula matapos niyang pag-isipan ang simbolismong ginamit. Anong antas ito?
ANALITIKAL
Nakakita si Mia ng isang liham na hinihikayat siyang suportahan ang isang charity event. Anong uri ito?
PERSUWEYSIB
"Isa siyang tagapangalaga ng tahanan." Anong uri ito ng tayutay?
PAGLUMANAY (EUPHEMISM)
"Kung ang cellphone ay kailangang palitan kada dalawang taon, dapat ang mga guro rin ay palitan kapag matagal na sa serbisyo." Anong uri ito ng maling pangangatwiran?
MALING PAGHAHAMBING
Isang kwento ang nag-umpisa sa wakas at unti-unting ipinakita ang mga naunang pangyayari. Anong pamamaraan ito?
REVERSE CHRONOLOGY
Habang nagbabasa ng isang tula, naramdaman ni Bea ang matinding lungkot na nais ipahayag ng makata. Anong dimensyon ito?
PAGPAPAHALAGA
Nagbasa si Kevin ng isang artikulo na nagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang malinis na eleksyon. Napansin nya na halo ang opinyon ng manunulat. Anong uri ito ng teksto?
ARGUMENTATIBO
"Walang nakarinig ng kanyang sigaw, kahit na umabot ito sa langit." Anong uri ng tayutay ito?
PAGMAMALABIS
"Mataas ang sahod mo, kaya siguradong masaya ang buhay mo." Anong uri ito ng maling pangangatwiran?
NON-SEQUITUR
Sa unang bahagi ng isang pelikula, ipinakita ang isang eksena kung saan may bumagsak na baso at nabasag. Sa bandang huli, may nangyaring trahedya sa pamilya ng bida, na tila ipinahiwatig na ng basag na baso noong simula. Anong istilo ng pagsasalaysay ito?
FORESHADOWING
May binabasang artikulo si Joyce, at habang binabasa ito, pinagsasama-sama niya ang impormasyon mula sa teksto at sa kanyang dating kaalaman. Aling teorya ang naaangkop?
INTERAKTIBO
Sumulat si John ng isang sanaysay na naglalaman ng paglalarawan ng isang bundok. Anong uri ito?
DESKRIPTIBO
"Nagpalit na siya ng landas sa buhay." Anong uri ito ng tayutay?
PAGLUMANAY (EUPHEMISM)
"Lahat ng may eyeglasses ay matatalino. Naka-eyeglasses ka, kaya matalino ka!" Anong uri ito ng maling pangangatwiran?
MALING SALIGAN
Sa isang serye ng aklat, pinatay ang pangunahing tauhan sa ikatlong libro matapos siyang barilin sa dibdib. Ngunit sa ikaapat na libro, ibinunyag na isa lamang itong ilusyon at buhay pa pala siya sa isang lihim na lokasyon. Anong istilo ng pagsasalaysay ang ginamit?
COMIC BOOK DEATH