Ano ang Pagmimina?
Nakatuon sa paghahanap at pagkuha ng mga metal at reserbang mineral.
Ano ang Konstruksyon?
Ito ay tumutukoy sa pagtatayo ng mga istruktura tulad ng gusali, kalsada at iba pang istruktura
Ano ang Pagmamanupaktura?
Ito ay paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o makina
Ano ang Utilities?
Ito ay binubuo ng kumpanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mamamayan sa tubig, kuryente at gas.
Magbigay ng mga halimbawa ng metal na nakukuha sa pagsasagawa ng mga operasyon sa pagmimina.
Ginto, Tanso, Pilak, Bakal, Nickel, Aluminum at iba pa
Ang buong pangalan ng Pandaigdigang Paliparan ng Pilipinas
Ninoy Aquino International Airport
Dalawang proseo ng pagmamanupaktura o paggawa ng produkto
Manual Labor o paggamit ng makina
Magbigay ng mga Internet Providers na ginagamit sa pangkasalukuyan.
Globe, Smart, PLDT, DTTO, Gomo, Converge.
Pangunahing yamang mineral ng ating lalawigan
Marble
Ang Ninoy Aquino International Airport ay halimbawa ng istruktura o imprastraktura? Ipaliwanag
Imprastruktura
Magbigay ng ilang halimbawa na makikita sa loob ng Supermarket na dumaan sa proseso ng pagmamanupaktura.
Sardinas, Softdrinks, Yakult, processed meat, shampoo, toothpaste, condiments, etc.
Paano nakatutulong ang Garbage Segregation sa kalinisan sa ating pamayanan?
(Ang mga kasagutan ay depende sa paliwanag ng mag-aaral)
Gawaing pangkabuhayan o kasanayan sa pagkatas ng mapakikinabangang sangkap mula sa tinibag na bato
Quarrying
Saan nabibilang ang Mauricio F. Fabito National Airport? Istruktura o Imprastraktura? Ipaliwanag.
Istruktura
Sa paanong paraan mo maipapakita ang tamang pag-gamit ng mga hilaw na materyales upang hindi ito humantong sa pagkaubos?
Hal: Sa pagmamanupaktura ng mga papel, maaaring magtanim muli ng mga puno upang di maubos ang pinagkukunan ng hilaw na materyles na ginagamit sa paggawa ng papel o mga kagamitang yari sa kahoy.
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng suplay ng tubig?
Upang may tubig na mainom ang mga tao, magamit para sa kalusugang pangkatawan, magkaroon ng sapat na suplay ng kuryente, at para sa mga pananim o agrikultura.
Ahensyang nangangalaga at may kontrol sa Pagmimina sa Pilipinas
Mines and Geosciences Bureau
Kung may nasirang kalsada, anong ahensya ng Gobyerno ang may responsibilidad upang ayusin ito?
DPWH o Department of Public Works and Highways
Bilang isang mag-aaral, ano ang kaya mong i-manupaktura na maaari mong makita sa iyong paligid? Ilahad ang proseso na iyong isasagawa.
Hal: Maaaring gumawa ng sabon mula sa mga pinaghalo-halong sangkap tulad ng langis ng niyog, tubig, at pabango.
Sa bahay, sa paanong paraan mo maipapakita ang pagtitipid sa kuryente? Ilahad at Ipaliwanag.
(Ang mga kasagutan ay depende sa paliwanag o mungkahi ng mag-aaral)