Tama o Mali
Sabi ni Jesus, ang hindi nagbubuhat ng sariling krus ay hindi maaaring maging Kanyang alagad.
Tama.
Lucas 14:27 "Ang hindi magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko."
Tama o Mali
Pinagalitan ng pastol ang tupa nang matagpuan niya ito.
Mali
Lucas 15:5 "Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin."
Ano ang pangunahing mensahe ng parehong talinghaga?
Nawawalang tupa at salapi
Nasisiyahan ang Diyos kapag may isang makasalanan na nagsisisi (Lucas 15:7 & 10)
Tama o Mali
Sabi ni Jesus, maaari mong paglingkuran kapwa ang Diyos at ang kayamanan.
Mali
Lucas 16:13 “Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa kayamanan.”"
Ayon kay Jesus, ano ang dapat “kamuhian” ng isang alagad upang siya’y makasunod?
a) Mga kaaway
b) Pamilya at Sariling Buhay
c) Pera
d) Mga Pariseo
b) Pamilya at Sariling Buhay
Lucas 14:26 "“Hindi maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin."
Sa talinghaga ng nawawalang tupa, ilang tupa ang iniwan ng pastol upang hanapin ang isang nawala?
99
Lucas 15:4 “Kung ang sinuman sa inyo ay may isandaang tupa at mawalan ng isa, ano ang gagawin niya? Hindi ba't iiwan niya ang siyamnapu't siyam sa pastulan at hahanapin ang nawawala hanggang sa ito'y matagpuan?"
Ano ang ipinapahayag ng talinghaga tungkol sa kagalakan sa langit?
May kagalakan sa presensya ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanang nagsisisi (Lucas 15:10)
“Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa ____.”
Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay (Lucas 16:10)
Sa talinghaga ng haring makikipagdigma, ano ang dapat niyang isaalang-alang bago makipaglaban?
a) Lakas ng kanyang hukbo kumpara sa kalaban
b) Gaano karami ang pera niya
c) Kung matapang ba ang kanyang mga sundalo
d) Laki ng lupang makukuha niya
a) Lakas ng kanyang hukbo kumpara sa kalaban
Lucas 14:31 “O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna mauupo upang pag-aralang mabuti kung kaya niya, gamit ang sampung libo niyang kawal, na sumagupa sa kalaban na may dalawampung libong kawal?"
Ano ang ginawa ng pastol nang matagpuan niya ang nawawalang tupa?
Lucas 15:5 "Kapag nakita na niya ang tupa ay masaya niya itong papasanin."
Paano ipinapakita ng talinghaga ang kahalagahan ng bawat tao sa Diyos?
Ang bawat tao, isa man o marami, ay mahalaga at hindi pinapabayaan ng Diyos.
Sa talinghaga ng tusong tagapamahala, bakit siya tatanggalin sa trabaho?
Dahil inaksaya niya ang kayamanan ng kanyang amo
Lucas 16:1 "Sinabi rin ni Jesus sa kanyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay nito ang kanyang ari-arian."
Sa talinghaga ng pagtatayo ng tore, bakit kailangang umupo muna at bilangin kung magkano ang magagastos?
Lucas 14:29-30
"Baka matapos mailagay ang mga pundasyon ay hindi naman mayari ang tore. Siya'y kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon. Sasabihin nila, ‘Ang taong ito'y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman naipatapos.’"
Ayon kay Jesus, ano ang nangyayari sa langit kapag may isang makasalanan na nagsisisi?
Lucas 15:7 "Sinasabi ko sa inyo, magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanang tumatalikod sa kasalanan kaysa sa siyamnapu't siyam na matuwid na di nangangailangang magsisi.”
Ilang pirasong salapi ang mayroon ang babae bago siya makawala ng isa?
10
Lucas 15:8a "O kaya, kung ang isang babae ay may sampung salaping pilak at mawala ang isa, ano ang gagawin niya?"
Ano ang ginawa ng tagapamahala upang makuha ang loob ng mga may utang sa kanyang amo?
Binawasan niya ang mga utang ng may-utang
Tapusin ang pahayag:
“Ang sinumang hindi tumalikod sa lahat ng kanyang ari-arian ____.”
“…ay hindi maaaring maging alagad ko.”
Sino ang lumalapit kay Jesus upang makinig, dahilan ng pagrereklamo ng mga Pariseo at guro ng kautusan?
Mga maniningil ng buwis at makasalanan (Lucas 15:1)
Ano ang ginawa ng babae nang matagpuan niya ang nawalang salapi?
Lucas 15:9 "Kapag nakita na niya ito, aanyayahan niya ang kanyang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nakita ko na ang nawawala kong salaping pilak!’"
Sa kuwento ng mayamang tao at si Lazaro, saan dinala si Lazaro pagkamatay niya?
Siya'y dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham (Lucas 16:22)