Naging ____ ang Salita at nanirahan sa piling namin. (Juan 1:14)
tao, Ama, ilaw, makapangyarihan
Naging tao ang Salita at nanirahan sa piling namin. (Juan 1:14)
Dumating si Jesus sa Ilog Jordan upang magpabautismo kay _____. (Mateo 3:13)
Pedro, Juan, Moises, Elias
Dumating si Jesus sa Ilog Jordan upang magpabautismo kay Juan. (Mateo 3:13)
Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang _____ ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan." (Juan 1:29)
Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan." (Juan 1:29)
Sumagot sila, “Saan po kayo nakatira, Rabi?” Ang kahulugan ng salitang ito'y ________. (Juan 1:38)
Guro, Tagapagligtas, Mesyas, Diyos
Sumagot sila, “Saan po kayo nakatira, Rabi?” Ang kahulugan ng salitang ito'y Guro. (Juan 1:38)
Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni ______. (Juan 1:40)
Juan, Juan Bautista, Simon Pedro, Felipe
Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. (Juan 1:40)
Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya ______ ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. (Juan 1:10)
kinilala, tinanggap, sinamba, sinunod
Dumating ang Salita sa sanlibutan ngunit hindi siya kinilala ng sanlibutang ito na nilikha sa pamamagitan niya. (Juan 1:10)
At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong ______ na lubos kong kinalulugdan!” (Mateo 3:17)
hinirang, alagad, Anak, tagapagligtas
At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!” (Mateo 3:17)
Kinabukasan, nakita ni _____ si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan." (Juan 1:29)
Simon, Andres, Juan, Felipe
Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan." (Juan 1:29)
Narinig ng ______ alagad ang sinabi niya, kaya't sumunod sila kay Jesus. (Juan 1:37)
isang, dalawang, tatlong, apat na
Narinig ng dalawang alagad ang sinabi niya, kaya't sumunod sila kay Jesus. (Juan 1:37)
Unang hinanap ni Andres ang kanyang kapatid na si Simon. Sinabi niya rito, “Nakita na namin ang _____!” Ang kahulugan ng salitang ito'y Cristo. (Juan 1:41)
Emmanuel, Mesyas, Yahweh, Rabi
Unang hinanap ni Andres ang kanyang kapatid na si Simon. Sinabi niya rito, “Nakita na namin ang Mesyas!” Ang kahulugan ng salitang ito'y Cristo. (Juan 1:41)
Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng __________. (Juan 1:14)
kapangyarihan, kaluwalhatian, biyaya, katotohanan
Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan. (Juan 1:14)
Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa _______ upang magpabautismo kay Juan. (Mateo 3:13)
Jerusalem, templo, Galilea, Judea
Dumating si Jesus sa Ilog Jordan mula sa Galilea upang magpabautismo kay Juan. (Mateo 3:13)
Ngayon ay nakita ko siya, at pinapatotohanan kong siya ang _____ ng Diyos. (Juan 1:34)
isinugo, Anak, hinirang, minamahal
Ngayon ay nakita ko siya, at pinapatotohanan kong siya ang Anak ng Diyos. (Juan 1:34)
Lumingon si Jesus, at nang makita niyang sumusunod sa kanya ang mga ito, sila'y tinanong niya, “Ano ang _______ ninyo?” (Juan 1:38)
kailangan, kinain, nakita, nangyari sa
Lumingon si Jesus, at nang makita niyang sumusunod sa kanya ang mga ito, sila'y tinanong niya, “Ano ang kailangan ninyo?” (Juan 1:38)
At isinama ni _____ si Simon kay Jesus. (Juan 1:42)
Juan, Felipe, Pedro, Andres
At isinama ni Andres si Simon kay Jesus. (Juan 1:42)
Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga __________. (Juan 1:12)
Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos. (Juan 1:12)
Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang ______ sa tubig. (Mateo 3:16)
Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. (Mateo 3:16)
Hindi ko rin siya kilala noon subalit ako'y naparitong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa ______. (Juan 1:31)
Hindi ko rin siya kilala noon subalit ako'y naparitong nagbabautismo sa tubig upang ipakilala siya sa Israel. (Juan 1:31)
Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si _____ na kapatid ni Simon Pedro. (Juan 1:40)
Ang isa sa dalawang alagad na nakarinig kay Juan at sumunod kay Jesus ay si Andres na kapatid ni Simon Pedro. (Juan 1:40)
Ang "Pedro" sa wikang Griego, ang kahulugan ng salitang ito ay “_____”. (Juan 1:42)
Ang "Pedro" sa wikang Griego, ang kahulugan ng salitang ito ay “bato”. (Juan 1:42)
Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni ______; ngunit dumating ang kagandahang-loob at katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. (Juan 1:17)
Ibinigay ang Kautusan sa pamamagitan ni Moises; ngunit dumating ang kagandahang-loob at katotohanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. (Juan 1:17)
Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang _________. (Mateo 3:16)
Nang mabautismuhan si Jesus, kaagad siyang umahon sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita ni Jesus ang Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang kalapati at dumapo sa kanya. (Mateo 3:16)
Hindi ko nga siya kilala noon. Ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang siyang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makitang bumaba at manatili ang Espiritu, siya ang magbabautismo sa pamamagitan ng ________.’ (Juan 1:33)
Hindi ko nga siya kilala noon. Ngunit ang nagsugo sa akin upang magbautismo sa tubig ang siyang nagsabi sa akin, ‘Kung kanino mo makitang bumaba at manatili ang Espiritu, siya ang magbabautismo sa pamamagitan ng Espiritu Santo.’ (Juan 1:33)
Sumama sila kay Jesus at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon nang araw na iyon. Noo'y mag-aalas _____ na ng hapon. (Juan 1:39)
Sumama sila kay Jesus at nakita nila ang kanyang tinitirhan; at tumuloy sila roon nang araw na iyon. Noo'y mag-aalas kuwatro na ng hapon. (Juan 1:39)
Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya, “Ikaw ay si Simon na anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging _____”, na ang katumbas ay Pedro. (Juan 1:42)
Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya, “Ikaw ay si Simon na anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cefas”, na ang katumbas ay Pedro. (Juan 1:42)