BALIK-ARAL
TALA-SALITAAN
3

Alin sa sumusunod na mga katangian ang naglalarawan sa tayutay na personipikasyon o pagsasatao?

A. nagpapahayag ng kalabisan o kakulangan ng katangian

B. inilalapat ang katangian ng tao sa bagay na walang buhay

C. tuwiran ang paghahambing sa dalawang bagay

D. hindi tuwiran ang pagtutulad sa katangian ng dalawang bagay

B. inilalapat ang katangian ng tao sa bagay na walang buhay

3

"Walang dapat ipanimdim, ang kay Donya Mariang turing:

"magaan ang kanyang hiling, magagawa nang magaling."

Alin sa sumusunod na pares ng salita ang kaugnay ang kahulugan ng salitang ipanimdim?


A. ikatuwa, ikagalak

B. ikatakot, ipag-alala

C. ikabalisa, ikalungkot

D. ikagulat, ikamangha

C. ikabalisa, ikalungkot

7

"O, marikit na bathala,

kometa na ba sa lupa,

ilawit iyong awa,

sa palad kong abang-aba."

Anong uri ng tayutay ang masasalamin sa saknong ng korido?


PAGWAWANGIS O METAPORA

7

Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salitang ginamit sa ikatlong bahagi ang hindi magkakasingkahulugan?

A. ikukubli, ililingid, itatago

B. kaniig, kagalit, kaulayaw

C. nanggilalas, nagulat, nabadha

D. panawan, layasan, iwanan

B. kaniig, kagalit, kaulayaw

11

Sa kanilang salitaan

anong tamis ng suyuan,

nanonood ay ang buwan,

at bituing karamihan.

Mababatid sa saknong ang anong uri ng tayutay?

PAGSASATAO O PERSONIPIKASYON

11

Lampas na sa takipsilim, nang ang sinta ay dumating,

ang inip ay humilahil, noon lamang naging lambing. 

Ang salitang takipsilim ay tambalang salita na nangangahulugang __________. 

dapithapon/ paglubog ng araw

15

Ang _________ ay uri ng tayutay na tuwiran at direkta ang paghahambing ng dalawang bagay magkaiba subalit may pagkakatulad sa katangian. 

PAGWAWANGIS O METAPORA

15

Ikawalo ay dumating, ang magkasi'y magkapiling,

puso nilang may hilahil, sa lambinga'y naaaliw. 

Ang kasingkahulugan ng salitang "hilahil" ay:

 S_ _ I _ A _ _ N

SULIRANIN


20

"Sa iyong pakumbaba

halos ika'y lumuluha.

Ang galit ko ay nawala,

parang natunay na bula."

Ano ang isinasaad na tayutay sa bahaging ito ng korido?

PAGTUTULAD O SIMILE

20

"Sa gayo'y iyong lubayan, ihatid na sa hapunan,

ng kabayong salanggapang, mabait sa dilang banal."

Ang salitang salanggapang ay kasalungat ng salitang ________. 

AMUBIT

MABUTI