Kumpletuhin ang title ng superhero film na ito: Super Inday and the ______ _______.
Golden Bibe
Sino ang unang babaeng presidente ng Pilipinas na nagtatag ng demokratikong Pilipinas matapos ang Martial Law?
Corazon C. Aquino
Magbigay ng limang bayaning kinilala ng National Historical Commission noong Nobyembre 15, 1995 bilang mga "pambansang bayani ng Pilipinas".
Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. Del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino, at Gabriela Silang
Ang mga linyang ito ay mula sa anong tula ni Jose Rizal?
"Adios, Patria adorada, region del sol querida,
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden!"
Mi Ultimo Adios / My Last Goodbye
Ano ang tunay na pangalan ng karakter na pinagbidahan ni Makisig Morales sa "Super Inggo"?
Budong
Saan ipinanganak si Melchora Aquino, na kinikilala bilang "Mother of Philippine Revolution"?
Barrio Banlat, Caloocan (na ngayon ay Barangay Tandang Sora, Quezon City)
Ang kauna-unahang Pilipinong naitala sa kasaysayan na nag-alsa laban sa kolonyal na pamumuno ng mga Kastila noong 1521.
Lapu-Lapu
Ibigay ang ginamit na "penname" ni Marcelo H. Del Pilar.
Plaridel
Paano nakuha ni "Volta" (na pinagbidahan ni Ai-Ai Delas Alas) ang kanyang kapangyarihan?
Nakidlatan siya ng tatlong beses
Saang lugar sa Luzon pinangunahan ni Diego at Gabriela Silang ang himagsikan laban sa mga Kastila?
SIno ang kinikilalang unang presidente ng Pilipinas matapos ang rebolusyon laban sa mga Kastila?
Emilio Aguinaldo
Sino ang nagtaguyod na gawing Filipino ang ating wikang pambansa?
Manuel L. Quezon
Sino ang pinaka-unang artistang gumanap bilang Darna mula sa orihinal na komiks ni Mars Ravelo?
Rosa Del Rosario
Sino ang asawa ni Andres Bonifacio na siyang responsable sa pagprotekta ng mga dokumento ng Katipunan, paghamig ng mga rebolusyonaryo, at naging kasangga nito sa pagpapatakbo ng kilusan?
Gregoria de Jesús
Ibigay ang buong pangalan ng KKK o Katipunan.
Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan
Ibigay ang buong pangalan ng kinikilala nating pambansang bayani ng Pilipinas.
José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
Anong taon unang ipinalabas ang pelikulang "Ang Panday" na pinagbibidahan ni Fernando Poe Jr.?
1980
Anong sikat na produkto sa bansa ang inimbento ng Pilipinang kemiko at parmasiyutiko na si Maria Ylagan Orosa?
Banana ketchup
Kailan unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas?
Hunyo 12, 1898
Kumpletuhin ang isinigaw ng mga Katipunero matapos nilang punitin ang cedula na siyang naging simbolikong panimula ng Himagsikan:
“Mabuhay ang _____! Mabuhay ang ______!”
“Mabuhay ang Filipinas! Mabuhay ang Katipunan!”