1. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa konsepto ng ‘LUGAR’ bilang isa sa mga tema sa pag-aaral ng heograpiya?
A. Ang pagiging malapit ng Pilipinas sa Taiwan ay nakakaapekto sa mga bagyo.
B. Ang mga naninirahan sa Pilipinas ay may iba't ibang wikang ginagamit.
C. Ang paglilipat ng mga tao mula sa probinsya patungo sa lungsod ay isang karaniwang kaganapan.
D. Ang pagsikat ng araw sa silangan at paglubog nito sa kanluran ay nagdudulot ng iba't ibang temperatura.
B. Ang mga naninirahan sa Pilipinas ay may iba't ibang wikang ginagamit.
Ito ay paarkong matabang lupain mula sa pag-apaw ng mga ilog na angkop sa pagtatanim o agrikultura sa kabihasnang Mesopotamia?
A. Fertile Crescent
B. Regalo ng Nile
C. Ilog ng Pighati
D. Acropolis of Athens
A. Fertile Crescent
Paano nakatulong ang lambak-ilog sa pag-usbong ng kabihasnan sa pamumuhay ng mga tao?
A. Nakatulong sa pagpapalawig ng turismo.
B. Napaigting ang aspetong pwersang sandatahan.
C. Napalawak ang ugnayan ng mga karatig-bansa sa pakikipaglaban.
D. Naging daan ang mga lambak-ilog sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao.
D. Naging daan ang mga lambak-ilog sa pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao.
Anong uri ng estrukturang panlipunan ang makikita sa sinaunang Greece?
A. Walang uri ng pagkakahati
B. Nahahati batay sa lahi
C. May malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga mamamayan, dayuhan, at alipin
D. Pantay-pantay ang lahat ng mamamayan
C. May malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng mga mamamayan, dayuhan, at alipin
Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Hudyo at ng relihiyong Judaismo?
A. Vedas C. Qur’an
B. Torah D. Bibliya
B. Torah
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katangian ng paggalaw bilang isang saklaw ng pisikal na heograpiya?
A. Ang mga Pilipino ay lumilipat sa ibang bansa bilang OFW upang magtrabaho.
B. Ang pagdami ng populasyon sa isang lugar ay nagiging sanhi ng kakulangan sa pagkain.
C. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nagpapadali sa komunikasyon sa buong mundo.
D. Ang mga bagyo ay nagdadala ng malakas na hangin at ulan mula sa karagatan patungo sa kalupaan.
A. Ang mga Pilipino ay lumilipat sa ibang bansa bilang OFW upang magtrabaho.
Ang Mesopotamia ay nagtataglay ng magandang ilog at lupain na nakatulong nang malaki sa pag-unlad ng mga kabihasnan at tinaguriang lupain sa pagitan ng dalawang ilog sapagkat ______________________.
A. Dito dumadaloy ang ilog Indus at Ganges
B. Dito dumadaloy ang ilog Tigris at Euphrates.
C. Dito dumadaloy ang ilog Nile at Brahmaputra
D. Dito dumadaloy ang ilog Ganges at Huang Ho
B. Dito dumadaloy ang ilog Tigris at Euphrates.
Sa panahon ng Matandang Kaharian sa Ehipto, sinimulang itatag ang piramide. Alin sa sumusunod ang naging pakinabang nito sa kanilang sibilisasyon?
A. Libingan ng mga Paraon
B. Tanggulan ng mga Paraon
C. Para sa kagandahan ng kaharian
D. Nagsisilbing silid ng mga Paraon
A. Libingan ng mga Paraon
Sa lipunang Egyptian, sino ang pinakamataas na pinuno na itinuturing na diyos?
A. Emperador C. Vizier
B. Pari-hari D. Pharaoh
D. Pharaoh
Anyong lupa na may butas o bunganga sa tuktok at bumubuga ng mainit na putik na tinatawag na magma.
Bulkan
Alin sa sumusunod ang may kaugnayan sa lokasyon bilang tema ng heograpiya?
A. Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,641 na mga isla.
B. Ang Palawan ay mayaman sa mga coral reefs at iba pang marine biodiversity.
C. Matatagpuan ang Mayon Volcano sa Albay.
D. Ang populasyon ng isang lugar ay naiimpluwensyahan ng dami ng mga trabaho.
C. Matatagpuan ang Mayon Volcano sa Albay.
Anong kabihasnan sa Gresya ang matatagpuan sa pulo ng Crete at tinaguriang isa sa pinakamaagang kabihasnan sa Europa?
A. Kabihasnang Minoan
B. Kabihasnang Myceanean
C. Lipunang Sparta
D. Lipunang Athens
A. Kabihasnang Minoan
Anong kabihasnan ang bihasa sa paglalayag gamit ang mga bituin at alon?
A. Kabihasnang Minoan
B. Kabihasnang Polynesian
C. Kabihasnang Aztec
D. Kabihasnang Indus
B. Kabihasnang Polynesian
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing katangian ng lipunang Sparta?
A. Demokrasya at sining
B. Pagtutok sa sining at panitikan
C. Disiplina at pagsasanay militar
D. Kalayaan ng kababaihan
C. Disiplina at pagsasanay militar
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang katayuang panlipunan na naipapasa sa buong pamilya at ipinagkakaloob sa isang indibidwal mula pa sa kanyang pagsilang?
A. Varna
B. Jati
C. Kasta
D. Dalit
B. Jati
Anong paglalarawan ang pinakamainam na nagpapakita ng LOKASYONG RELATIBO ng Pilipinas batay sa mga kalapit nitong lupain at karagatan?
A. Matatagpuan ang Pilipinas sa 13° Hilagang latitud at 122° Silangang longhitud.
B. Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng 7,641 na mga isla.
C. Ang Pilipinas ay nasa silangan ng Vietnam, hilaga ng Indonesia, at timog ng Taiwan.
D. Matatagpuan ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas, sa Davao.
C. Ang Pilipinas ay nasa silangan ng Vietnam, hilaga ng Indonesia, at timog ng Taiwan.
Alin sa mga sumusunod ang pangalan ng pinuno ng kabihasnang Maya?
A. Ariki
B. Pharaoh
C. Halach uinic
D. Spartiates
C. Halach uinic
Ano ang unang kabihasnang umusbong sa Mesoamerica?
Kabihasnang Olmec
Sa Athens, anong pangkat ang malaya, may karapatang bumoto, at makibahagi sa pamahalaan?
Citizens
Sa kabihasnang Aztec, sino ang tinaguriang "Feathered Serpent God" at sinasamba bilang diyos ng hangin at ulan?
Quetzalcoatl
Ang teoryang ito ay pinanukala ni Alfred Wegener noong 1912 na nagsasabing ang mga kontinente a binubuo ng iisang masa ng lupa na tinatawag na Pangaea.
Continental Drift Theory
Kilala bilang mahalagang pinagkukunan ng tubig sa pagsasaka subalit tinawag din itong "Ilog ng Pighati sa Tsina" sapagkat nagdulot ito ng malawakang pagkasira ng ari-arian at pagkawala ng buhay dahil sa pagbaha.
Huang Ho/Huang He/Yellow River
Ang labihasnang Mesopotamia ay nakaimbento ng sistema sa pagsulat gamit ang stylus at clay tablet. Ano ang tawag sa pinakaunang sistema ng pagsulat sa daigdig?
Cuneiform
Ano ang tawag sa pinakamababang antas ng lipunan sa sistemang caste ng India?
Dalit o Untouchables
Sa caste system ng lipunang Inida, ano ang tawag sa mga mandirigma na may sekular na awtoridad at nagsisilbing tagapagtanggol sa mga Brahmin?
Kshatriya