Mga Tungkulin at Pananagutan ng isang Global Citizen sa Lokal na Komunidad
Mga Tungkulin at Pananagutan ng isang Global Citizen sa Pandaigdigang Komunidad
Papel ng isang Global Citizen sa Pagtugon sa mga Suliraning Pandaigdig
Paraan ng Aktibong Pakikilahok ng Mamamayan sa Paglutas ng Pandaigdigang Suliranin
100

Nag-organisa ng tree-planting activity sa inyong barangay at aktibong lumahok ka sa pagtatanim ng puno.

Tungkulin ng global citizen na pangalagaan ang kalikasan at tamang paggamit ng likas na yaman.

100

Nag-donate ka sa isang international charity na tumutulong sa mga biktima ng sakuna sa ibang bansa.

Tungkulin ng global citizen na suportahan ang pandaigdigang karapatang pantao.

100

Nag-organisa ka ng campaign sa social media upang labanan ang polusyon sa karagatan.

Papel ng global citizen bilang advocate ng solusyon sa pandaigdigang suliranin.

100

Sumali ka sa volunteer program para turuan ang kabataan sa liblib na lugar.

Pagvolunteer sa lokal at international na proyekto.

200

Dumalo ka sa isang seminar tungkol sa karapatan at responsibilidad ng mamamayan sa inyong komunidad.

Tungkulin ng global citizen na maging responsableng mamamayan sa sariling lugar.

200

Nagbahagi ka sa social media ng impormasyon tungkol sa epekto ng climate change sa ibang bansa.

Tungkulin ng global citizen na magbahagi ng kaalaman at kamalayan tungkol sa pandaigdigang suliranin.


200

Nakipag-collaborate ka sa NGO sa ibang bansa para magtayo ng libreng paaralan sa mahihirap.

Papel ng global citizen na nakikipagtulungan sa iba't ibang bansa at organisasyon.

200

Nagbahagi ka sa social media ng impormasyon tungkol sa karapatang pantao at kalikasan.

Pagbabahagi ng kaalaman at impormasyon sa komunidad.

300

Nakilahok ka sa lokal na clean-up drive sa inyong paaralan.

Tungkulin ng global citizen na tumulong sa mga proyekto at programa sa komunidad.

300

Sumali ka sa online forum kasama ang mga kabataan mula sa iba’t ibang bansa upang makahanap ng solusyon sa kahirapan.

Tungkulin ng global citizen na makilahok sa solusyon sa global issues.

300

Gumawa ka ng proyekto para sa recycling at zero-waste sa inyong paaralan na may epekto rin sa komunidad.

Papel ng global citizen sa paggawa ng positibong proyekto para sa mundo.

300

Lumahok ka sa kampanya para sa malinis na tubig at kalinisan sa inyong barangay.

Pagsali sa kampanya para sa karapatang pantao, edukasyon, kalikasan, at kalusugan.

400

Nakipag-usap ka sa kapitbahay tungkol sa respeto sa kanilang kultura at tradisyon.

Tungkulin ng global citizen na igalang ang iba’t ibang kultura at opinyon sa komunidad.

400

Aktibong sinusuportahan mo ang mga polisiya ng UN tungkol sa patas na kalakalan.

Tungkulin ng global citizen na suportahan ang pandaigdigang patas na kalakalan.


400

Tumulong ka sa fundraising event para sa mga naapektuhan ng global crises sa ibang bansa.

Papel ng global citizen sa pagtulong sa mahihirap at biktima ng global crises.

400

Suportado mo ang mga batas na nagtataguyod ng kabutihang global, kagaya ng environmental law.

Pagsuporta sa mga polisiya at batas na nakakatulong sa kabutihang global.

500

Sumali ka sa isang kampanya para sa kaligtasan ng kalikasan sa inyong barangay.

Tungkulin ng global citizen na makibahagi sa mga lokal na kampanya para sa kabutihang panlahat.

500

Nakilahok ka sa international cultural exchange program upang maintindihan ang kultura ng ibang bansa.

Tungkulin ng global citizen na palaganapin ang pagkakaisa at pagtutulungan sa buong mundo.

500

Nagsagawa ka ng workshop sa inyong paaralan tungkol sa pagtutulungan sa global community.

Papel ng global citizen sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pandaigdigang komunidad.

500

Naging responsable ka sa paggamit ng resources upang mabawasan ang iyong environmental footprint.

Pagiging responsable sa sariling kilos at desisyon na may epekto sa mundo.