Alam mo ba?
Nararamdaman ko
Di ka maniniwala?
May nangyayari na
Datos pa kami
100

Ito ang tawag sa tekstong nagbibigay ng malinaw at tamang impormasyon.

Ano ang

Tekstong Impormatibo?

100

Dalawang klase ng tekstong deskriptibo. 

Ano ang

Subhetibo at Obhetibo

100

Ang tawag sa tekstong nanghihikayat o nag-uudyok sa tao na maniwala o gumawa ng isang bagay.

Ano ang

Tekstong Persweysib?

100

Layunin ng tekstong naratibo.

Ano ang

Magsalaysay o magkwento ng pangyayari?

100

Tawag sa paraan ng pangangalap ng datos kung saan direktang kinakausap o iniinterbyu ang tao.

Ano ang

Panayam?

200

Iba pang tawag sa tekstong impormatibo.

Ano ang

Ekspositori?

200

Ang layunin ng tekstong deskriptibo.

Ano ang

Maglalarawan?

200

Nanggaling sa kanya ang tatlong elemento ng panghihikayat.

Sino si

Aristotle?

200

Elemento sa kwento na may lugar, panahon, at kapaligiran na binanggit upang mabuo ang eksena.

Ano ang

Tagpuan?

200

Datos na maaaring pinagpasahan lamang ito ng impormasyon.

Ano ang

Hanguang Sekondarya?

300

Uri ng tekstong impormatibo na naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari.

Ano ang

Sanhi at Bunga?

300

Ipinakikilala ng tekstong deskriptibo ang mga sumusunod maliban sa isa.

"hitsura, disposisyon ng mga tauhan, ugali, nakaraan ng tauhan"

Ano ang

Nakaraan ng Tauhan?

300

Uri ng propaganda device na kung saan ay nahihikayat ang mga tao na bilhin ang produkto dahil sa dami ng taong tumatangkilik nito.

Ano ang

Bandwagon?

300

Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting at oras o panahon kung kailan nangyari ang kwento.

Ano ang

Oryentasyon?

300

Isang lagom ng tesis. Nilalaman nito ang introduksyon, suliranin, saklaw at limitasyon, metodo, buod, konklusyon at rekomendasyon.

Ano ang

Abstract?

400

Ang estratehiyang organisasyonal na gumagamit ng paghahambing upang ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang ideya, at karaniwang ginagamit sa malalim na pagsusuri ng konsepto.

Ano ang

Paghahambing?

400

Tawag sa malikhaing paggamit ng wika na naglalarawan hindi lamang ng pisikal na anyo kundi pati ng abstraktong katangian ng paksa gamit ang matatalinghagang detalye at imahinatibong paglalarawan.

Ano ang

Masining na Paglalarawan?

400

Tawag sa pinakamahirap na uri ng panghihikayat na gumagamit ng lohikal na argumento, datos, istatistika, at kritikal na pagsusuri upang kumbinsihin ang mambabasa.

Ano ang

Logos?

400

Teknik sa narasyon ang nagsisimula sa dulo ng kwento bago ilahad ang pinagmulan o simula nito.

Ano ang

Reverse Chronology?

400

Proseso ng pangangalap at pagproseso ng datos ang gumagamit ng sariling salita upang maipahayag muli ang ideya ng orihinal na teksto, ngunit kailangang magbago ang estruktura at pahayag habang nananatiling tapat sa kahulugan.

Ano ang

Hawig?

500

Ang uri ng tekstong impormatibo na ito.

"Binabasa ni Eli ang isang ulat na naglalahad kung paano nahahati ang buhay ni Jose Rizal sa kabataan, pag-aaral, paglalakbay, at pagsusulat. Ang teksto ay malinaw na inorganisa sa mga kategorya."

Ano ang

Paglilista ng Klasipikasyon

500

Ang uri ng tekstong deskriptibo na ito.

"Ang dentista ay may suot na puting coat, face mask, at hawak na stainless na dental mirror. Ang teacher ay nakasuot ng navy blue uniform at may hawak na attendance sheet."

Ano ang

Obhetibo?

500

Ang uri ng propaganda device na ginagamit dito.

"Sa isang coffee shop poster, isang sikat na artista ang nag-endorso ng kape kahit wala siyang karanasan sa pagbubuo ng kape."

Ano ang

Testimonial?

500

Ang pamamaraan ng narasyon na ito.

"Kwento ni Mikhael ang nagsisimula sa gitna ng aksyon. Habang tumatakas siya mula sa pagsabog ng kanyang kotse sa mataong trapik. Pagkatapos ay gumamit ng flashback upang ipaliwanag ang pagtataksil ng partner niya na nagsanhi nito."

Ano ang

In Media Res?

500

Ang proseso ng pangangalap at pagproseso ng datos na ito.

"Kung ang mag-asawang nagtatrabaho, isang IT professional at isang doktor; ay nagbabahagi ng mga artikulo tungkol sa kanilang larangan at pinapaikli ito sa iisang talata na naglalaman ng lahat ng pangunahing ideya sa pinakamaikling anyo."

Ano ang

Presi/Presis?