Creation
Adam and Eve
Cain and Abel
The Flood
Random
100

Ano ang nilikha ng Diyos noong unang araw?

Liwanag

Gen 1:3 At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.

100

Double points! Anu ang kahulugan ng pangalang Eva/Eba?

Ina ng Sangkatauhan/Ina ng lahat ng nabubuhay

Genesis 3:20  20 Eva ang itinawag ni Adan sa kanyang asawa, sapagkat siya ang ina ng sangkatauhan. 

100

Sino ang unang anak nina Adan at Eva?

Cain

100

Ilang araw nagpaulan ang Diyos para lipulin ang kasamaan ng tao sa sanlibutan?

40 days and 40 nights.

Genesis 7:12  Bumuhos ang ulan sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. 

100

Ano ang hugis ng mundo bago ang paglalang/paglikha ng Diyos sa lahat?

Walang hugis. 

Genesis 1:1-2

1 Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa; 2 ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig.

200

Double points! Anu-ano ang nilikha ng Diyos sa ikatlong araw?

Hiniwalay ang katuyuan sa tubig. Tinawag na Lupa ang tuyo at Dagat ang tubig. Naglagay rin Siya ng damo, pananim at punongkahoy sa lupain.

Genesis 1:9-13  

9 At sinabi ng Dios, Mapisan ang tubig na nasa silong ng langit sa isang dako, at lumitaw ang katuyuan, at nagkagayon. 10 At tinawag ng Dios ang katuyuan na Lupa, at ang kapisanan ng tubig ay tinawag niyang mga Dagat: at nakita ng Dios na mabuti.

11 At sinabi ng Dios, Sibulan ang lupa ng damo, pananim na nagkakabinhi, at punong kahoy na namumunga ayon sa kaniyang pagkakahoy, na taglay ang kaniyang binhi sa ibabaw ng lupa, at nagkagayon. 12 At ang lupa ay sinibulan ng damo, pananim na nagkakabinhi, ayon sa kaniyang pagkapananim, at ng punong kahoy na namumunga, na taglay ang kaniyang binhi, ayon sa kaniyang pagkakahoy, at nakita ng Dios na mabuti. 13 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikatlong araw.

200

Ano ang sinabi ng ahas kay Eba nang tuksuhin siyang kainin ang bunga ng punong ipinagbabawal ng Diyos?

Genesis 3: 4-5  4 Ngunit sinabi ng ahas, “Hindi totoo iyan, hindi kayo mamamatay! 5 Sinabi lang iyan ng Diyos, sapagkat alam niyang kung kakain kayo ng bunga niyon ay makakaunawa kayo. Kayo'y magiging parang Diyos at malalaman ninyo ang mabuti at masama.” 

200

Ano ang hanapbuhay/gawain nina Cain at Abel?

Si Cain ay magbubukid ng lupa at si Abel naman ay tagapag-alaga ng tupa.

200

Ano ang naging tipan ng Diyos kay Noe?


Genesis 9:11

At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.

200

Ano pa ang nilikha ng Diyos sa ikaanim na araw maliban sa tao?

Genesis 1:24  24 Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng lahat ng uri ng hayop sa lupa—maaamo, maiilap, malalaki at maliliit.” At gayon nga ang nangyari. 

300

Pang - ilang araw nilikha ng Diyos ang araw, buwan at mga bituin sa langit?

Ikaapat na araw (4th day)

Genesis 1: 14-19

14 At sinabi ng Dios, Magkaroon ng mga tanglaw sa kalawakan ng langit upang maghiwalay ng araw sa gabi; at maging pinakatanda, at pinakabahagi ng panahon, ng mga araw at ng mga taon: 15 At maging pinakatanglaw sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa: at nagkagayon. 16 At nilikha ng Dios ang dalawang malaking tanglaw; ang malaking tanglaw ay upang magpuno sa araw, at ang maliit na tanglaw ay upang magpuno sa gabi: nilikha rin niya ang mga bituin. 17 At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa, 18 At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti. 19 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaapat na araw.

300

Ibigay ang apat na pangalan ng sanga ng ilog sa paligid ng halamanan ng Eden.

Pison, Gihon, Tigris, Eufrates

300

Ano ang sagot ni Cain ng hanapin ng Panginoon ang kapatid niyang si Abel matapos niya itong patayin?

Hindi ko alam. Ako ba ang tagapagbantay/tagapagtago ng aking kapatid?

300

Ilang pares ng hayop ang ipinasok ni Moses sa arko bago nagpaulan ang Diyos?

Wala po. Dahil si Noe ang gumawa ng arko at hindi si Moses. 

300

True or False. Nilingap ng Diyos ang handog ni Abel na mga bunga ng lupa at hindi nilingap ang matabang tupang galing kay Cain.

False. Si Cain ang naghandog ng bunga ng lupa/pananim at si Abel ang nagbigay ng tupa.

400

True or False: Nang Ikaanim na araw, nilikha ng Diyos ang bawat hayop na umuusad sa lupa at mga ibon sa himpapawid. Nilalang din ang tao ayon sa kanyang wangis. 

False. Ang mga ibon ay nilikha sa ikalimang araw.

Genesis 1:20-23

20 At sinabi ng Dios, Bukalan ng sagana ang tubig ng mga gumagalaw na kinapal na may buhay, at magsilipad ang mga ibon sa itaas ng lupa sa luwal na kalawakan ng himpapawid. 21 At nilikha ng Dios ang malalaking hayop sa dagat, at ang bawa't may buhay na kinapal na gumagalaw, na ibinukal na sagana ng tubig, ayon sa kanikaniyang uri at ang lahat na may pakpak na ibon, ayon sa kanikaniyang uri: at nakita ng Dios na mabuti. 22 At mga binasbasan ng Dios, na sinabi, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at inyong punuin ang tubig sa mga dagat, at magpakarami ang mga ibon sa lupa. 23 At nagkahapon at nagkaumaga ang ikalimang araw.

400

Ano ang kahulugan ng sinabi ni Adan na -

 “Sa wakas, narito ang isang tulad ko,
laman ng aking laman, buto ng aking buto;
babae ang itatawag sa kanya, sapagkat sa lalaki siya'y kinuha.”

Genesis 2:24  24 Ito ang dahilan kaya iniiwan ng lalaki ang kanyang ama't ina, nagsasama sila ng kanyang asawa, at sila'y nagiging isa. 

400

Bakit hindi kinalugdan/nilingap ng Diyos ang hain ni Cain?

Sapagkat hindi niya ito inalay ng may pagsamba at pananampalataya. At maaaring hindi niya pinili ang "best" para sa Panginoon.

400

Ilan taon si Noe nang nagpadala ang Diyos ng baha sa kalupaan?

600 years old.

Genesis 7:6  At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa. 


400

Double Points! 

ilan ang books sa Banal na Biblia?

66 BOOKS ( 37 OLD Testament and 29 NEW Testament)

500

Ano ang ibinilin ng Diyos sa tao sa ikaanim na araw?

Sila ay magpakarami, at kalatan ang lupa, it  binigyan sila ng kapangyarihan sa lahat ng hayop at halamang nabubuhay.

Genesis 1:28-31

28 At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa. 29 At sinabi ng Dios, Narito, ibinigay ko sa inyo ang bawa't pananim na nagkakabinhi, na nasa ibabaw ng balat ng lupa, at ang bawa't punong kahoy na may bunga ng punong kahoy na nagkakabinhi; sa inyo'y magiging pagkain: 30 At sa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; at sa bawa't nagsisiusad sa ibabaw ng lupa na may buhay ay ibinigay ko ang lahat na pananim na sariwa na pinakapagkain; at nagkagayon. 31 At nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang nilikha, at, narito, napakabuti. At nagkahapon at nagkaumaga ang ikaanim na araw.

500

Ano ang naging parusa ng Diyos sa ahas dahil sa pagtukso sa tao at sa babae at sa lalake matapos nilang kainin ang puno ng pagkakakilala ng mabuti at masama?

Ang ahas ay gagapang, at alabok ang kakainin. At sila ng babae ay pag aawayin.  Mahihirapan ang babae sa panganganak at papasakop sa kanyang sawang lalaki. At ang lalaki ay magpapagal upang buhayin ang pamilya hanggang sa kanyang kamatayan.


Genesis 3:14-19  

14 At sinabi ng Panginoong Yahweh sa ahas:

“Sa iyong ginawa'y may parusang dapat,
    na ikaw lang sa lahat ng hayop ang magdaranas;
mula ngayon ikaw ay gagapang,
    at ang pagkain mo'y alikabok lamang.
15 Kayo ng babae'y aking pag-aawayin,
    binhi mo't binhi niya'y lagi kong paglalabanin.
Ang binhi niya ang dudurog sa iyong ulo,
    at sa sakong niya'y ikaw ang tutuklaw.”
16 Sa babae nama'y ito ang sinabi:
“Sa pagbubuntis mo'y hirap ang daranasin,
    at sa panganganak sakit ay titiisin;
ang asawang lalaki'y iyong nanasain,
    pasasakop ka sa kanya't siya mong susundin.”

17 Ito naman ang sinabi ng Diyos kay Adan:

“Dahil nakinig ka sa iyong asawa,
    nang iyong kainin ang ipinagbawal kong bunga;
dahil dito'y sinusumpa ko ang lupa,
    sa hirap ng pagbubungkal, pagkain mo'y magmumula.
18 Mga damo at tinik ang iyong aanihin,
    halaman sa gubat ang iyong kakainin;
19 sa pagod at pawis pagkain mo'y manggagaling
maghihirap ka hanggang sa malibing.
    Dahil sa alabok, doon ka nanggaling,
    sa lupang alabok ay babalik ka rin.”

500

Ano ang naging parusa ng Panginoon kay Cain dahil sa kanyang kasalanan?

Pinalayas si Cain sa lupain at siya ay magiging palaboy at hampas-lupa.

GENESIS 4:11-12 At ngayo'y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid; 12 Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa.

500

Ilan ang tao sa loob ng arko? Ibigay ang mga pangalan.

Walong (8) tao. Noah, kanyang asawa, 3 anak ( Shem/Sem, Ham/Cham,Japhet) at mga asawa ng 3 anak.

Genesis 7:13  Pumasok noon sa barko si Noe at ang kanyang asawa, kasama ang kanilang tatlong anak na lalaki na sina Shem, Ham at Jafet at ang kani-kanilang asawa.

500

Ano ang ating theme for today's quarterly fellowship?

Women Empowerment in the Midst of Pandemic