Names
Names
Names
Names
100

Sobrang taba ng batang ito noong siya ay ipinanganak kaya naman kinailangang sugatan siya sa paa upang matest ng mga doctor kung diabetic baby siya, mabuti na lamang at hindi. Sa ngayon sobrang payat naman niya at nagnanais na tumaba kahit papano. Mahilig siya sa KDrama at KPop, pero inoovercome naman na niya ito. Dahil dito, nagagalit madalas ang bestfriend nyang si David. (First Name)

Jonathan

100

Magaling siyang kumanta at umihip ng isang instrumento. Bukod dito ay bihasa din siya sa paggamit ng WeSing app. Dahil dito ginamit ito ng Panginoon para makilala niya ang Mensahe. Kapangalan niya din ang isang batikang reporter ng GMA 7. (First Name)

Ivan

100

His name is so nice, you will say it twice. Talaga namang natutuwa sa kanya ang magulang niya kaya ang pangalan niya ay inuulit-ulit, gaya ng sapin-sapin, araw-araw, lagi-lagi. Pero kamakailan lang ay natuklasan niya na hindi pala ito ang tunay niyang pangalan, pero, ito na ang tawag sa kanya dahil ito ang nakasanayan na. Gayunpaman, walang tatalo sa kanya pagdating sa pagpipintura at paghahalo ng sabon. Siya ang tanging tagapagmana ng Carpenter Skills ni Bro Tony Lor. (First Name)


Jon Jon

100

Kapangalan niya sa Bible ang dalagang namumulot ng bigas sa bakuran ng isang mayamang binata pero sa totoong buhay niya ngayon ay kayang kaya na niya ang pagsasaing ng bigas. Hindi lang iyon, kelangan mo ba ng proof reader/editor ng Thesis o Research Paper mo? Kayang kaya niya yang gawin! PM is the key! Sige na nga, maganda rin ang kabataang ito siempre kasi beshie niya ung isa sa gumawa ng laro. (First Name)

Ruth

200

Ang batang ito ay napakasipag sa church, isang chat pa lang kung sinong gustong maglinis ay magbibihis na siya agad para makapuntang church. Mabilis din siya kapag inutusan mong bumili ng yelo at donut sa likod ng puregold. Sa bible, siya ang kuya ng isang propeta ng Israel (First Name)

Aaron

200

Siya man ang pinakabunso sa isang prominenteng pamilya sa ating church ang batang ito ay di magpapatalo sa talento. Kaya niyang pumasa sa school kahit di siya masyadong pumapasok. Hindi rin alam ng marami na gumagamit siya ng ipinagbabawal na teknik sa paglilinis. Hinahaluan niya ng downy ang tubig kapag nagmomop siya ng sahig ng church. Kaya naman malinis na ito, mabango pa, pero sana hindi lumambot ang sahig gaya ng nasa downy commercial. (First Name)

Isaiah

200

Noong bata pa siya pinakapaborito niyang lugar ang SM at nagagalit siya sa mama niya kapag na aabutan sila ng closing nito. Naglalaro din siya ng badminton. At ang bagay na pinakaayaw niyang mawala sa kanya ay pagkain. Kung tatanungin mo siya kung anong unqiue sa kanya, isasagot niya sayo ay muka niya. Clue from the bible "It cometh by hearing" (First Name)

Faith
200

Pangarap nya dati maging isang guro kaya naman lahat ng teddy bear at stuff toys nya pinapaupo nya sa paligid habang may hawak na patpat at isa isa silang papagalitan sa loob ng kwarto. Hindi natutong magbasa sila teddy and friends kaya napagdesisyunan nyang wag na ituloy ang nasabing pangarap. Hindi man niya ito natupad, naging isa naman siyang expert na mamimili. Kapag ang presyo ng bilihin ay isang daan, tatawaran niya ito kung pwedeng bente na lang. Merong siyang high success rate of 85%  na manalo sa tindera. Sa kasamaang palad, isa sa mapait na alala niya ay noong naisawsaw niya ang kwek-kwek sa banlawan ng sandok ni manong. Second name niya ang kailangan hulaan. Isa itong biscuit na kalaban ng Bravo na paborito ng mga baby nagsisimula pa lang magkangipin. (Second Name)

Marie
300

Pangalan niya pa lang ay tunog napakabait na pero sa totoong buhay ay talagang masunurin at napakasipag ng batang ito sa mga gawaing bahay. Pero bago niya natupad ang kagustuhan niyang maging Human Resource graduate, ay pinangarap niya muna maging miyembro ng power puff girls. Nakakatuwa naman dahil nagagamit na siya ng Panginoon ngayon sa projector ministry. Hindi niyo siya masyadong kilala sa first name niya na dapat hulaan.

Maryll

300

Grade 3 pa lamang siya ay nakahiligan na niya ang pagluluto, sa katunayan, isa syang alumna sa Mcdo Kiddie Crew kaya nga balak niyang kumuha ng kursong culinary balang araw. Sa ngayon naman ay nahihilig din siya sa pagtugtog ng violin. May kapangalan siyang prophet sa Bible. (First Name)

Elisha

300

Ang kanyang unang pangalan ay tunog prinsipe na agad, pero hindi masyadong alam ng marami na meron pa siyang ikalawang pangalan na ang ibig sabihin ay "God with us". Tahimik lang ang batang ito kung titignan pero nung nasa children pa siya, medyo takot sa kanya ang mga teacher kasi english speaking siya noon. Namana niya ang business skills ng kanyang mga magulang kaya kung loloobin ng Panginoon, pangarap niyang makapagopen ng sariling business niya na reselling ng mga sapatos. (Second name)

Emmanuel

300

Bigkasin mo pa lang ang pangalan niya gagaan na agad ang pakiramdam mo at makakatanaw ka ng maliwanag na kinabukasan. Siya ang pinakaate sa mga magkakapatid at napakamasunurin daw ng batang ito. Tahimik lang at di makwento pero masarap siya kwentuhan kasi ambilis niya tumawa. (First Name)


Hope

400

Hindi siya magaling sa akademya pero mabibilib ka sa talento niyang tumugtog. Napakagaling niya sa instrumento kaya kahit anong ibigay mo ay kaya nyang tugtugin. Kung iniisip mo na instrumento ang hilig niya, hindi. Mali ka. Ang hilig niya ay kumanta ng matataas na awitin. May special talent din siya sa pag-iiwan ng marka kahit saan siya pumunta. Mount Daraitan is waving at you XD. First name niya ang huhulaan.

Zephaniah

400

Sadyang creative talaga sa paggawa ng pangalan ang magulang niya, ang kanyang palayaw kung saan natin siya kilala ay combination ng first and second name niya, pero ang pinapahulaan ay ang second name niya. Isa siya sa bumabati sa inyo ng Happy Birthday sa official page ng youth. Kagaya ng kapatid niya sobrang hinhin din niya, d mo tuloy alam minsan kung bati pa ba kayo o galit na siya sa yo. (Second Name)

Crissel

400

Napakasporty talaga ng batang ito, lingid sa kaalaman nating lahat ay isa siyang magaling na baseball player. Mahilig din siya sa dodge ball. Kahit mahilig siya sa sports paborito niya pa din gawain ang pagbabasa at pagtulog. Matalino din ang batang ito lagi siyang nakakaperfect dati sa mga exams about sa buhay ni Bro Branham. (Second name)

Lian

400

Sa magkakapatid siya daw pinakamakulit pero mabait. Alam niyo ba na ang batang ito napakafriendly at mahal na mahal siya ng mga friends niya. Isang araw umuwi siya ng late galing sa computer shop, dahil sa ilang beses na ito nangyari ay pinagsarhan siya ng gate ng mama niya at di pinapasok ng bahay. Dahil nga respatado siya ng mga friends niya, madami ang nagdala sa kanya ng pagkain, may kanin, lechon baka at litson manok at bangus, un nga lang puro chichirya. Sa sobrang masayahin ng batang ito, hindi mo masasabi ang pangalan niya ng di ka ngingiti. (First name)

Neil

500

Wala siyang lahing Chinese, pero tinanghal siya dating Ms. China sa United Nations contest noong grade 5 siya. Talaga namang panginternational ang batang ito at pangarap niya talaga magtravel sa Amsterdam para makita ang napakagandang Tulips field nila doon. Interesado din siya sa video and phot editing kaya naman kabilang siya sa Media Team ng kanyang school kung saan gumaganap siya bilang Editor at minsan naman ay Photographer. (First Name)

Xailene

500

Mas kilala natin siya sa pangalan ng isang sikat na singer sa Amerika subalit hindi masyadong alam ng marami ang kanyang ikalawang pangalan na mahirap i-spell. Ang sister na ito ay sadyang napakahinhin na kahit galit na siya ay masasabi mo pa din ang "awwwwwwww" sa lambing ng kanyang pagsasalita. Pero napag-alaman din namin na meron siyang paboritong unan na palagi niyang kasama at hindi siya makakatulog kung wala ito. (Second name, correct spelling dapat)

Archelle

500

Wala kaming masaydong trivia sa kanya kaya magkwento na lang kami ng isang nakakatuwang kwento tungkol sa kanya na nabahagi ng kanyang nanay. Isang araw daw ay lumabas siya ng kanilang bahay upang kunin ang order niya sa lazada. Pero nagtaka ang mama niya ng bumalik siya sa bahay para magsapatos, kaya tinanong siya kung bakit kukuha lang siya ng order eh magsasapatos pa. Ang sagot niya eh sabi daw kasi ng nakamotor ay bawal pag nakatsinelas, ayun pala Angkas Driver pala un imbes na Lazada delivery. Mabuti na lang at napigilan siya sa pagsakay, kung hindi baka saan pa siya nakarating. Sa bible, isa siyang tagapagmana. (First Name)

Isaac

500

Pangarap daw niya dati na maging piloto pero ayaw na niya sa ngayon dahil mahina daw siya sa math. Paborito niyang sports ang biking pero sa ngayon wala pa siyang bike (baka naman...). Noong bata pa siya di niya malilimutan nung bumili siya sa tindahan pero ang dala dala niyang pambili ay remote ng tv nila. Sa ngayon dahil sa ECQ ay nakahiligan na niya ang pagbabasa ng bible at message. Tularan natin siya. (First Name and Surname)

Earl Bustamante