Bokabularyo
Bokabularyo pt 2
Kilos, Pangyayari, o Karanasan
Uri ng Komunikasyon
Analohiya
500

Ang mga sundalo ay nagkubli sa moog upang hindi sila matamaan ng kalaban.
a. kuta
b. palasyo
c. tore
d. kastilyo

a. kuta

500

Ang mga dasal at ritwal ay itinuturing na sagrado sa kanilang relihiyon.
a. banal
b. marangal
c. malinis
d. mahalaga

a. banal → Ang sagrado ay nangangahulugang banal o may kabanalan, lalo na kung tumutukoy sa relihiyon.

500

Biglang bumuhos ang malakas na ulan kagabi habang naglalakad siya pauwi.

Pangyayari – Ang pagbuhos ng ulan ay isang natural na pangyayari.

500

Sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya, naipapalaganap ang mga balita at anunsyo mula sa radyo, telebisyon, at social media na sabay-sabay na nakararating sa milyon-milyong mamamayan.

Pangmasa – Ang impormasyon ay ipinalalaganap gamit ang mass media na abot ng milyon-milyon

500

Zeus : Griyego :: _______ : Romano

Jupiter

600

Ang mga residente ay naligalig dahil sa malakas na lindol kagabi.
a. naguluhan
b. nabahala
c. nataranta
d. natakot

b. nabahala


Naligalig = nag-alab ang damdamin ng pag-aalala, nababahala o nadidismaya dahil sa kaguluhan.

600

Biglang dumaluhong ang mga bata sa tindahan nang makita nilang naglabas ng kendi ang tindera.
a. nag-unahan
b. lumapit
c. sumugod
d. nagtipon

c. sumugod → Ang dumaluhong ay nangangahulugang sumugod nang biglaan.

600

Hindi niya napigilan ang luha nang maalala ang masakit na alaala ng kanyang pagkabata.

Karanasan – Ang pagluha ay hindi sinasadya o sinadya, kundi bunga ng naramdamang damdamin.

600

Nagsalita ang pangulo sa harap ng libo-libong tagapakinig tungkol sa mga bagong polisiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan.

Pampubliko – Isang tao (pangulo) ang direktang nakikipag-ugnayan sa malaking bilang ng tagapakinig.

600

Hera : Griyego :: _______ : Romano

Juno

700

Sa kasaysayan, ang imperyo ng Roma ay tinaguriang isa sa pinakamakapangyarihang kaharian sa buong mundo.
a. kaharian
b. kabihasnan
c. sultanato
d. pamahalaan

a. kaharian

700

(x2 kapag may eyeglasses)

Ang kanyang puso ay puno ng dalamhati nang pumanaw ang kanyang ina.
a. kalungkutan
b. pangungulila
c. pighati
d. dalamhati

c. pighati → Ang dalamhati ay tumutukoy sa matinding kalungkutan o pighati, lalo na kapag may namatay.

700

Matyagang naghintay si Liza ng tatlong oras sa terminal upang makasakay pauwi.

Kilos – Ang paghihintay ay isang sinadyang kilos na ginawa ni Liza.

700

 Ang mga lider ng barangay ay nagsagawa ng pagpupulong upang pag-usapan ang implementasyon ng proyektong patubig para sa kabuuang benepisyo ng mga residente. 

Pangkaunlaran – Ang layunin ay ikabubuti at pag-unlad ng pamayanan (patubig para sa residente).

700

Apoy : Hestia/Vesta :: _______ : Buwan

Artemis/Diana

800

(kapag may relo x2)

Ang kanyang ina ang nag-aruga sa kanya mula pagkabata hanggang sa siya’y lumaki.
a. nag-alaga
b. nagpalaki
c. naggabay
d. nag-aral

a. nag-alaga

800

Nadiskubre ng pulis ang panggagantso ng sindikato sa pagbebenta ng pekeng gamot.
a. panlilinlang
b. pandaraya
c. panloloko
d. pananamantala

b. pandaraya → Ang panggagantso ay nangangahulugang pandaraya o panlilinlang upang manloko ng kapwa.

800

Niyanig ng lindol ang buong gusali kaya’t nagtakbuhan ang mga tao palabas.

Pangyayari – Ang paglindol ay isang pangyayaring hindi kayang kontrolin ng tao.

800

Ang mga miyembro ng isang korporasyon ay nakilahok sa taunang pagpupulong upang talakayin ang kita, gastusin, at mga panibagong patakaran ng kumpanya.

Pang-organisasyon – Komunikasyon sa loob ng pormal na samahan tulad ng korporasyon.

800

Apollo : Propesiya :: _______ : Kadiliman

Hades/Pluto

1000

(x2 kapag babae at tama)

Ang batang ulila ay kinupkop ng kanyang tiya matapos pumanaw ang kanyang mga magulang.
a. inalagaan
b. tinanggap
c. pinatuloy
d. pinangakuan

b. tinanggap

1000

(x2 kapag lalaki at tama)

Pinaniniwalaang masamang augurya ang makita ang uwak na dumapo sa bubungan bago ang isang kasal.
a. masamang palatandaan
b. masamang bagay
c. masamang hudyat
d. masamang sumpa

a. masamang palatandaan → Ang augurya ay nangangahulugang palatandaan (omen), madalas negatibo.

1000

(x2 kapag tama at mali) (free tile kung leader ang kumuha)

Ramdam niya ang pangungulila sa kanyang pamilya matapos ang matagal na pamamalagi sa ibang bansa.

Karanasan – Ang pangungulila ay isang damdaming nararanasan at hindi sadyang ginawa.

1000

Sa pagdiriwang ng Pahiyas sa Quezon, ipinapakita ng mga tao ang kanilang malikhaing paglalagay ng palamuti mula sa mga ani.

Pangkultura – Tumutukoy sa pagpapahayag ng tradisyon, paniniwala, at sining ng isang grupo o lipunan

1000

(Free tile kapag leader)

Trident : Poseidon :: ________ : Dolphin

Apollo

M
e
n
u