Ano ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari?
A. PANGNGALAN B. PANDIWA
C. PANG-URI D. PANG-UKOL
A. PANGNGALAN
Ano ang ibig sabihin ng sanhi?
A. Resulta o kinalabasan ng pangyayari
B. Dahilan ng isang pangyayari
B. Dahilan ng isang pangyayari
Anong panghalip panao ang pamalit sa “Maria at ako”?
A. Sila B. Ikaw C. Tayo D. Sina
C. Tayo
Alin sa mga ito ang pasukdol?
A. maganda B. mas maganda C. pinakamaganda
C. pinakamaganda
Tukuyin ang aspekto: “Naglaro si Anton sa parke.”
A. Naganap B. Nagaganap
C. Magaganap D. Katatapos
A. Naganap
Alin sa mga sumusunod ang pangngalan?
A. maganda B. bata
C. mabilis D. malaki?
B. bata
Tukuyin ang sanhi: “Nalate si Lito dahil inantok siya.”
A. Na-late si Lito
B. dahil inantok siya
B. dahil inantok siya
Ano ang panghalip pananong?
A. Salitang pamalit sa ngalan ng tao
B. Salitang ginagamit sa pagtatanong
B. Salitang ginagamit sa pagtatanong
Tukuyin ang pinakamataas na kaantasan ng pang-uri:
A. maganda B. mas maganda C. pinakamaganda
C. pinakamaganda
Tukuyin ang aspekto sa pangungusap na, "Nagtatampisaw sa putikan ang mga bata."
A. Naganap B. Nagaganap
C. Magaganap D. Katatapos
B. Nagaganap
Anong uri ng pangngalan ang “Manila Zoo”?
A. PANTANGI B. PAMBALANA
A. PANTANGI
Tukuyin ang bunga: “Umuulan kaya hindi natuloy ang laro.”
A. Umuulan B. hindi natuloy ang laro
B. hindi natuloy ang laro
Anong panghalip pananong ang dapat gamitin: “____ ang gumawa ng proyekto?”
A. Ano B. Sino C. Bakit D. Paano
B. Sino
Alin sa mga ito ang lantay?
A. maganda B. mas maganda C. pinakamaganda
A. maganda
Tukuyin ang pandiwa sa pangungusap: “Siya ay tumatakbo sa palaruan.”
A. tumatakbo B. palaruan
A. tumatakbo
Tukuyin ang pambalana sa pangungusap: “Si Liza ay pumunta sa simbahan.
A. Si Liza B. pumunta
C. simbahan D. wala sa nabanggit
C. simbahan
Alin sa mga salitang ito ang nagsasaad ng sanhi o bunga?
A. dahil B. kaya C. upang D. ngunit?
B. kaya
Ano ang panghalip panao?
A. Salitang pamalit sa ngalan ng tao
B. Salitang ginagamit sa pagtatanong
A. Salitang pamalit sa ngalan ng tao
Anong uri ng pang-uri pamilang sa pangungusap na, “Bumili si Gerald ng limang libro”?
A. Bumili B. si Gerald C. limang D. libro
C. limang
Tukuyin ang aspekto: “Nag-aaral siya ngayon.”
A. Naganap B. Nagaganap
C. Magaganap D. Katatapos
B. Nagaganap
Alin sa mga ito ang di-tiyak na ngalan?
A. aso B. Lito C. ate D. doktora?
A. aso
Ano ang ibig sabihin ng bunga?
A. Resulta o kinalabasan ng pangyayari
B. Dahilan ng isang pangyayari
A. Resulta o kinalabasan ng pangyayari
Ang panghalip na "kami" ay isang______________?
A. Panghalip Pananong B. Panghalip Panao
B. Panghalip Panao
Alin ang pahambing sa pangungusap: “Mas matangkad si Lino kaysa kay Rico."?
A. Mas matangkad B. si Lino
C. kaysa kay Rico D. wala sa nabanggit
A. Mas matangkad
Tukuyin ang aspekto: “Mamamasyal kami bukas sa liwasang bayan.”
A. Naganap B. Nagaganap
C. Magaganap D. Katatapos
C. Magaganap